Advertisers
Sugatan ang anim na katao sa sumabog na “super kalan” o gas burner sa loob ng isang eskinita sa isang residential area sa Tumana, Barangay NBBN, Navotas City.
Batay sa paunang ulat, anim ang kumpirmadong sugatan kung saan apat sa mga ito ang agad na isinugod sa Tondo Medical Center, habang ang iba naman dinala sa Navotas City Hospital para sumailalim sa gamutan.
Patuloy pang inaalam ang eksaktong sanhi ng pagsabog at ang lawak ng pinsalang dulot nito.
Inaalam pa rin ang pangalan ng mga biktima.
Samantala, paalala sa publiko na maging maingat sa paggamit ng mga kagamitang pangluto sa loob ng bahay upang maiwasan ang mga aksidenteng maaaring magdulot ng kapahamakan. (Beth Samson)