Advertisers
Hinahanap Police-Aviation Security Group at ng Airport Police Department (APD) ang walang pusong ina na nagtapon ng 8 buwan na fetus mula sa isang lavatory ng eroplano habang papuntang Maynila noong Miyerkules ng umaga,Pebrero 25,2026.
Base sa ulat ng pulisya, natuklasan ang sanggol na itinapon sa sinapupunan ng mga tagalinis ng eroplano sa Sewage Treatment Plant (STP) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang fetus ay sapilitang itinapon sa inidoro ng hindi kilalang ina matapos manganak habang sakay ng Philippine Airlines flight patungong Maynila.
Ayon sa ilang aircraft cleaners, pagdating ng eroplano ay naglilinis sila sa loob at dinadala ang mga basurang nasa lavatory sa STP area kung saan bumulaga sa kanila ang kahabag habag na kalagayan ng sanggol.
Pinag-aaralan ngayon ng mga imbestigador ng pulisya ang isa sa limang (5) internasyonal flight ng PAL na dumating noong araw na nangyari ang insidente. (JOJO SADIWA/JERRY S. TAN))