Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO ang sexy actress na si Robb Guinto na ibang klaseng pelikula ang “Desperada.”
Ayon sa talent ni Lito de Guzman, ang pelikulang ito ang isa sa pinaka-challenging na role na nagampanan niya.
Wika ni Robb, “Yes sobra po akong na-challenge rito, lalo na kapag umoorder si direk ng luha, hahaha! Mapapanood ninyo iyan sa trailer, sa last part.”
First time ba niyang naka-work si direk Louie? “Hindi po, nakasama ko na siya before sa isang VMX movie na Paupahan. At sobrang pasalamat ako kay direk dito sa movie na to dahil talagang pinilit niyang palabasin ang mga hindi ko inaakalang kaya ko pang ibigay para sa movie na ito.”
Paano niya pinaghandaan ang role rito?
Tugon niya, “Talagang inaral kong mabuti yung role at isinabuhay ko ang pagkatao ni Brenda na para bang nangyari talaga sa akin iyon at kailangan kong gumawa ng back story ng character ko.”
Ayon pa sa aktres, ibang Robb Guinto ang mapapanood sa pelikulang ito.
“Yes po, hindi si Robb Guinto ang makikita po ng mga manonood dito, kundi si Brenda,” deklara niya.
Mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio at produced ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino, itinuturing ito ni Robb bilang isang art film.
“Para sa akin po, ang movie ni direk Louie, it’s really an art. Bawat frame ay napakaganda po at ipinapakita rin dito ang reality ng bansa natin, it’s very raw.”
Wika pa ni Robb, “Ang role ko po rito ay si Brenda, isang babaeng lumaki sa pang-aabuso at pinilit na ibenta ng sariling ama hanggang sa nawala sa sarili.”
Ano ang tema ng movie? Nagpa-sexy ba siya rito? “Drama po ang movie… Yes po, nagpa-sexy ako sa pelikulang Desperada,” matipid na pahayag ng aktres.
Sa sinehan ba ito ipalalabas o sa Viva apps?
“Yes, sa sinehan po siya ipalalabas at sa Viva apps. Bale, mayroon silang magkaibang version,” pakli pa ng napaka-seksing si Robb.
Bukod kay Robb, tampok din sa pelikulang Desperada sina Yas Marta at Mhack Morales.
Makikita rin dito ang brilliant support from indie actress na sina Sue Prado, Marife Necesito, at Mercedes Cabral. Plus, ang newcomers na sina Julianne Richards at Jorge Guda.