Advertisers
Ni Beth Gelena
Naimbitahan si Liza Soberano na magpresent sa Annie Awards 2026, kamakailan.
Kahit wala pang kasunod ang movie aktres na Frankenstein ay nagiging busy siya sa mga pag-attend ng iba’t ibang events sa Hollywood.
Umalis ng bansa si Liza para tuparin ang dream niya na maging Hollywood actress.
Yun nga lang tila matatagalan pang maabot niya ang kanyang pangarap.
Natutuwa naman ang fans ni Liza sa achievents niya sa Western country.
“Good job Liza, keep it up!!!”
“liza galing kahit sa holly wood she deserve to be holly wood star magaling magenglish kumpara mo sa ibang artista binabasa pa yung skrip iba yung matalino at ganda”
Pinansin naman ng commenter ang kasuotan ni Liza that night.
“Kahit nakakainis ang pakpak ng gown, ang ganda pa rin ni Liza.”
“Bat kasi ganun yung suot? hirap naman gumalaw at kelangan may tulong pa kaloka”
“Bakit siya pumayag ganyang damit niya? Bukod sa di kumportable, ang baduy ng combination. Hindi na-highlight na sexy siya at maganda”
“Annie awards is for animation.. kaya “annie” ginugle ko pa.. hahahah”
“Imbis na nakakilos sya ng maayos. Agaw eksena pa yung damit nya. It’s a Fail na naman”
“Mabuti para sa kanya. Malaking kumpanya ang DreamWorks at magandang bagay para sa kanila na simulan ang pag-promote ng Forgotten Island. Good luck sa inyong lahat!”
“Sablay ang gown at hair. Wala na ba siyang stylists?”
“Maganda talaga si Liza pero ang mga suot niya kadalasan hindi nag coconplement sa knya.. Sorry to say this but it is always baduy.. Dont know kung sariling preference niya or may stylist. Kung may stylist sya better palitan nya un…”
“at least naging presenter sa usa. mahirap din yan ha for a filipino sa usa.”