Advertisers

Advertisers

QC Hall of Justice binulabog ng bomb threat

0 7

Advertisers

Binulabog ng bømb threat ang Quezon City Hall of Justice nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 27.
Ayon sa ulat ni QC Department of Public Order and Safety chief Elmo San Diego, nakatanggap umano ang isang tauhan ng Branch 227 ng text message tungkol sa umano’y bomba sa gusali.
Agad namang nagsilikas ang lahat ng indibidwal, kabilang ang mga empleyado, para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Patuloy naman ang isinasagawang inspeksyon ng Explosive and Ordnance Division sa naturang gusali. (Boy Celario)