VALENZUELA, NAGLUNSAD NG FIRST EVER CITYWIDE SPELLING BEE PARA SA MGA MAG-AARAL NG LUNGSOD AT STORY -TELLING
Advertisers
Isang makabuluhang proyekto para sa mga mag-aaral sa Grade 4-6 ang inilunsad sa Lungsod ng Valenzuela City,- ang Valenzuela Interschool Spelling Bee, isang kompetisyon at tagisan ng talino na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa 51 paaralan sa lungsod na nilahukan ng 102 spellers.
Ang programa ay pinangunahan ni Mrs.Tiffany Gatchalian, kabiyak ni Mayor Wes Gatchalian.
Sa panayam kay Mayora Tiffany, layunin ng naturang kompetisyon na mahikayat ang mga kabataan na pagtuunan ng pansin ang kanilang pag-aaral at mailayo sa labis na pagkahumaling sa social media platforms tulad ng TikTok at mga laro sa cellphone na kadalasang nagiging sanhi ng pag-aaksaya ng oras.
“Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na kompetisyon, mas mapapataas natin ang antas ng edukasyon ng ating mga mag-aaral dito sa Valenzuela,” ani Mayora Tiffany .
Binigyang-diin din niya na maraming mahuhusay at matatalinong kabataang Valenzuelano, lalo na mula sa mga pampublikong paaralan, na kinakailangan lamang ng sapat na suporta at pagsisikap upang lalo pang mahubog ang kanilang kakayahan.
Kinabukasan ay ginanap naman sa Valenzuela City Library ang isang makubuluhang Story- Telling Activity na nagbasa ng isang kwento na plnamahatang “Ang taling hindi maitali” na may bahagi ng tanungan sa mga kabataang dumalo mula sa mga public at private schools sa lungsod.
Sina Mrs.Tiffany Gatchalian at si Mrs. “Tootsie” Angara ( wife ni Sec.Sonny Angara) ang nagbasa ng kuwento habang namigay naman ng tsokolate, candies at panali ng buhok ang anak nina Mayor Wes at Mayora na si TARA….
Dumalo din at nag- abot ng parangal, at premyo si Mayor Wes Gatchalian sa nasabing event na lahat ay nasiyahan sa buong programa.(Beth Samson )