Advertisers

Advertisers

Julia Montes tine-train ni Coco Martin para sa ‘Sigabo’

0 61

Advertisers

Ni Anne Venancio



MAY bagong proyekto na muling pag-aabangan ng mga Kapamilya fans si Coco Martin matapos ang pagtatapos ng matagumpay na serye na “FPJ’s Batang Quiapo.” Inanunsyo ng Primetime King na siya at Julia Montes ang pagbibidahan ng bagong action-romance series na “Sigabo,” na magsisimula sa Marso 16.

Ayon kay Coco sa isang panayam sa TV Patrol, iniakma ang kwento para sa kanilang tandem ni Julia, at kasalukuyang sumasailalim ang aktres sa masinsinang training sa baril, fight choreography, at motor skills. “First time namin magla-light. Pasasayahin natin ‘yung mga tahanan gabi-gabi,” ani Coco. Idinagdag niya na episodic ang format ng serye, na may iba-ibang kwento at misyon bawat linggo.



Kasabay ng anunsiyo, nagbigay-pugay si Coco sa tatlong taong suporta ng kanyang mga tagahanga sa “Batang Quiapo.” “Hirap lumabas sa bibig, hirap tanggapin na matatapos na,” wika niya. Tiniyak din niya na magiging kapana-panabik ang huling tatlong linggo ng “Ang Huling Laban ni Tanggol,” na patuloy na umaani ng mataas na online viewership, umabot sa mahigit isang milyong concurrent viewers, at naging viral sa social media dahil sa iconic lines at eksena.

Samantala, patuloy na pinag-uusapan sa showbiz ang personal na buhay ni Coco, kabilang ang umano’y aplikasyon niya at ni Julia sa Schengen visa, na may nabanggit na tatlong anak, at pagbili ng property sa Spain bilang bahagi ng long-term residency plan.