Advertisers

Advertisers

Lumabag sa advertising agreement: INQUIRER.NET INIREKLAMO NG PROPERTY DEVELOPER!

0 504

Advertisers

ANG property developer na Primariland Holdings, Inc. (PHI) ay naghain ng reklamo laban sa Inquirer.net dahil sa ginawang paglabag sa advertising agreement na pinasok nito sa kumpanya matapos ihinto o tanggalin nito ang online publication nang walang paunang abiso, sa Summons by Publication na inilabas ng Regional Trial Court Br. 53, Sorsogon City kaugnay sa kasong isinampa ng PHI at Philippine Primark Properties (Primark) laban sa Premier Towncenter Holdings (PTC), SM Investments Corporation (SMIC), at Corporate Assets Investments Limited (CAIL).

Ang naturang reklamo ay kinabibilangan ng isang petisyon ng PHI at Primark upang baguhin ang buyback documents na may kinalaman si Primark President and Chairman Wilbert Lee para muling bilhin ang 51% equity sa Primark na hawak ng SMIC at ang diumano’y mga ahente nito na PTC at CAIL, upang maaari itong maisasakatuparan pagkatapos ng hindi pagkakaunawaan ng Primark sa China Bank (CBC) at China Savings Bank (CBSI) tungkol sa kanilang kasalukuyang loan agreements –– o ang paglutas ng Omnibus Notes Facility and Security agreement.

Si Lee ay dating nagsampa ng reklamo na DOSRI (directors, officers, stockholders, and their related interests) laban sa mga director at opisyal ng China Banking Corporation (CBC), China Bank Savings Inc. (CBSI), at China Bank Capital Corporation (CBCC) para sa diumano’y paglabag ng mga ito sa Section 36 ng General Banking Law sa pagpapalawig ng higit sa apat na bilyong pisong ha-laga ng pautang sa Primark.



Nakasaad sa reklamo na ang respondents ay “kasangkot sa pag-apruba at pag-release ng DOSRI loans sa pinagsamang halaga na P4.12 bilyong sa Primark” at ang “sadyang pagtatago ng character o uri ng mga pautang bilang DOSRI, sadyang nabigo na sumunod sa reportorial requirements para sa DOSRI loans, at sadyang hindi sumunod sa kinakailangang waiver of secrecy of bank deposits ng isang DOSRI borrower.”

Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo sa BSP ay sina CBC Chairman at SMIC Executive Committee Chairperson Hans Sy, CBC Director at SM Prime Director Herbert Sy, CBC Direc. at SMIC Exec. Director Harley Sy, CBC Director at SMIC Chairman Jose Sio, CBC President at Exec. Director William Whang, CBC Chief Operations Officer at CBSI Vice-Chairman Romeo Uyan, Jr. at 17 iba pang  opisyal ng CBC, CBSI, at CBCC.

Ang summon ay parehong lumabas sa classified sections ng Inquirer.net at Philippine Daily Inquirer. Ang online posting sa Inquirer.net ay sakop ng isang magkahiwalay na Advertising Agreement na pinasok ng PHI sa online news portal noong Enero 20, 2021. Nagbayad ang PHI ng P56,000 para sa pag-post ng  summons at pag-pin sa ad sa homepage ng Inquirer.net.

Batay sa terminong ginamit at ipinabatid ni Inquirer.net Senior Marketing Associate Irene Lucas sa PHI, ang nasabing post ay “will be forever, as long as the link is still active.” Tiniyak din ng kinatawan ng Inquirer.net sa PHI na “hindi namin tatanggalin ang post nang walang pahintulot / kahilingan ng kliyente.”

Gayunpaman, nung araw na nai-post ang summons, inalis ng Inquirer.net ang paid advertisement nang hindi ipinagbigay alam sa PHI, at kalauna’y inialok na ibalik na lamang ang kabayaran sa naturang ads.



Sa isang liham sa PHI na ipinadala matapos na tanggalin ang ads, sinabi ni Inquirer.net Associate Director for Sales and Marketing Vida Lacano na ang nasabing summons para sa PTC, SMIC, at CAIL ay tinanggal dahil “ipinapahiwatig lamang nito ang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon bilang medium of announcement.”

Bilang tugon, binigyang diin ni PHI counsel Rexie Plaza na “habang sinasabi na ang mga summon ay parehong dapat na mai-publish sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon, walang bagay na nagbabawal sa PHI na magamit ang online publication.” Ipinaalala din ni Plaza sa Inquirer.net na bago nila tinanggap ang online publication ng mga nasabing panawagan, nagbigay sila ng kaparehong kopya para kanilang masuri.

“Tulad ng naturan, mayroon kang (sic) pagkakataong suriin ang mga nilalaman nito at tanggihan ang paglalathala ng nasabing panawagan kung pareho itong lumalabag sa mga patakaran ng inyong kumpanya,” paliwanag ng abugado.

Sinabi ni Plaza na ang pagtanggal ng summons ng Inquirer.net nang walang paunang abiso sa PHI ay tahasang paglabag sa mga karapatan at interes ng PHI, “dahil dito, ang reklamo ay aming inihain para hilingin sa inyo na agad mai-publish ang mga summons.”