Advertisers
Maglalaan ng P32,296,900.40 ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa liver transplant surgeries ng 20 batang pasyente sa ilalim ng Kaagapay Program ng lungsod.
Ang mga operasyon ay isasagawa sa Indraprastha Apollo Hospital at Max Healthcare sa New Delhi, India.
Kabilang sa mga pasyente ang 18 bata na may biliary atresia, isang kaso ng liver cirrhosis, at isang chronic liver condition.
Sa pakikipag-usap sa mga pamilya, binigyang-diin ni Domagoso ang suporta ng gobyerno ng lungsod upang mapabilis ang proseso ng pagpopondo para sa mahalagang operasyon.
Ayon sa alkalde, ang tulong pinansyal ay mula sa mga taxpayers ng Maynila, na naglalayong bigyang-priyoridad ang mga programang pangkalusugan na direktang nagliligtas ng buhay. .
Dagdag pa niya, nagtitiwala na ang mga ospital sa India sa kakayahan ng lungsod na magbigay ng financial guarantees para sa mga operasyon, na nagpapabilis sa pagtanggap ng mga pasyente para sa paggamot.
Ang Kaagapay Program ay naglaan na ng mahigit P96 milyon para sa mga kritikal na kaso, kabilang ang pediatric liver transplants, heart surgeries, cochlear implants, at iba pang life-saving treatments sa Pilipinas at India. (Jocelyn Domenden)