Advertisers

Advertisers

Caloocan pinuri ng GCash sa pagsusulong ng Digital Finance na serbisyo ng Lungsod

0 9

Advertisers

Kinilala ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan City ng isa sa pinakamalalaking financial technology (FinTech) companies sa bansa, ang GCash dahil sa mahusay nitong pagsisikap na isama ang teknolohiya sa mga serbisyo ng lungsod at gawing digital ang mga transaksyon.
Ipinagkaloob ito sa katatapos lamang na GCash Digital Excellence Awards (GDEA).
Tinanggap ng pamahalaang lungsod ang Excellence in Digital Transformation Award at ang Palengke Digital Breakthrough Growth Award sa GDEA. Patunay ito sa patuloy na pakikipagtulungan ng lungsod sa GCash bilang isa sa mga accredited collection partner at bilang daluyan ng pamamahagi ng pondo para sa Solo Parent Monthly Allowance, Senior Citizen Birthday Cash Gift, at Agapay sa Manggagawa Allowances.
Ipinahayag ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan, ang kanyang pasasalamat sa GCash sa pagkilala.
Ayon kay Malapitan, patuloy pang paiigtingin ng pamahalaang lungsod ang paggamit ng teknolohiya sa mga serbisyong pampubliko upang maging mas maginhawa para sa mga mamamayan.
“Maraming salamat po sa GCash sa pagkilala sa mga inisyatiba ng ating lungsod pagdating sa digitalization ng ating mga serbisyo para sa mga mamamayan. Malaking bagay po ito para sa atin dahil dito, nakikita natin na nasa tamang direksyon ang ating mga programa,” pahayag ni Mayor Along.
“Mula nang makipagtulungan tayo sa GCash, mas napagsilbihan natin ang mga mamamayan lalo na ang mga taxpayer at mga miyembro ng vulnerable sectors dahil hindi na nila kailangang pumunta pa sa city hall at pumila para lang makapagbayad o matanggap ang benepisyong para sa kanila,” dagdag pa ni Along.
Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng pagkakaroon ng katuwang na tulad ng GCash sa layunin ng pamahalaang lungsod na gawing mas madaling maabot ng publiko ang mga programa at serbisyo.
“Asahan po ninyo sa mga susunod nating programa, ipagpapatuloy pa natin ang pakikipagtulungan sa mga kumpanyang kagaya ng GCash upang mas mabilis maipatupad at mas maging maayos ang resulta ng mga programang para sa mga Batang Kankaloo,” pahayag pa ni Mayor Along.(BR)