Advertisers

Advertisers

Grupo ng BFP retirees suportado paglilinis sa kanilang hanay

0 5

Advertisers

Nagpahayag ng suporta ang Bureau of Fire Protection Retirees Association of the Philippines, Inc. (BFPRAPI) sa hepe ng BFP chief F/Director Jesus Fernandez makaraang makahanap ng kakampi ang huli sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Nabatid sa isang liham, pormal na nagpahayag ng buong suporta ang BFPRAPI sa nagaganap na internal reforms habang nananawagan ng patas na pagkilala sa todo-todo na kampanya ng Bureau para linisin ang sarili nitong hanay.
Sinabi ni BFPRAPI president retired Colonel Agapito Nacario, habang matatag ang paninindigan ng organisasyon sa misyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na puksain ang katiwalian sa gobyerno, sinusuportahan din ng mga retirees ang kasalukuyang pamunuan ng Bureau sa ilalim ni BFP chief Fernandez.
Kaugnay nito si Fernandez ay kasalukuyang nahaharap sa pinakamalaking hamon sa kanyang buhay kasunod ng hakbang ni Remulla na magsampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa kanya (hepe ng BFP) sa Office of the Ombudsman.
Samantala sinabi ni Nacario na ang mga kamakailang pagsaway sa publiko ay nagdulot ng malaking demoralisasyon sa loob ng hanay ng bureau.
“The recent public rebukes has cause significant demoralization within the ranks. Worse, the children of firefighters are reportedly facing bullying in schools due to this ‘shame campaign/ This must stop. The majority of our firefighters remain committed to integrity, transparency, and accountability,” paliwanag ni Nacario.
Bunsod nito kabilang sa binanggit ng pinuno ng grupo ng mga retirees ang aktibong pagpapatupad ng “Oplan Santindig” ng bureau na pinaigting ng kasalukuyang pamunuan, sa pamamagitan ng paghikayat sa publiko na mag-ulat ng mga recruitment scam at extortion activities.
Nabatid pa sa grupo ng BFPRAPI na suportado nila ang nagpapatuloy na internal reforms ng bureau kasunod ng alegasyon ng katiwalian na kinasasangkutan ng isa sa pinakamatandabng institusyon ng gobyerno sa bansa.(Boy Celario)