Advertisers

Advertisers

BUKING! Larawan ng pinadalang maletang pera ng bagman ni Co panahon pa ni Digong

0 28

Advertisers

NAGANAP pa umano noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga larawan ng male-maletang pera na pinagdalhan umano ng mga nagpakilalang 18 ex-marines na nagsilbing body guard ni Zaldy Co.

Ito ang ibinunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa isang press conference nitong Biyernes, Marso 13.

Sinabi ni Remulla na batay sa kanyang natanggap na intelligence report at mapagkakatiwalaang source, nangyari ang paghahatid ng pera noong panahon ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.



Partikular na tinukoy ni Remulla ang isa sa mga larawan na nakalakip sa joint affidavit ng 18 na nagpakilalang dating marines.

Hindi tinukoy ni Remulla kung saan partikular inihatid ang pera pero nangyari ito sa bahay ng isang kongresista dito sa Metro Manila.



Tinawag ni Remulla na “manipulation of facts” ang paggamit ng larawan na ito sa affidavit ng mga nagpakilalang marines upang paglaruan ang timeline para palabasin na nangyari ang lahat ng paghahatid ng male-maletang pera sa panahon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Klinaro naman ni Remulla na isa lang sa mga larawan na ito ang tinukoy ng kanyang source na nangyari noong nakalipas na administrasyon at hindi lahat ng mga nakalagay sa affidavit ng 18 nagpakilalang marines.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">