Advertisers
NASAWI ang 47-anyos na lalaki nang saksakin ng anak nang magtalo ang dalawa hinggil sa paggamit ng magulang ng bawal na gamot sa Batangas City.
Ang biktima ay residente ng Barangay Sta. Clara, na idineklarang dead on the spot nang magtamo ng tama ng saksak sa leeg.
Batay sa imbestigasyon ng Batangas City Police Station, naganap ang insidente 2:00 ng hapon ng Lunes.
Nahuli ng menor de edad na anak ang kanyang ama na gumagamit ng shabu. Dito nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na nauwi sa pana-naksak ng anak, gamit ang isang balisong.
Matapos ang insidente, kusang sumuko ang bata sa mga opisyal ng barangay.
Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Batangas City Police Station habang iniha-handa ang pagsasampa ng kasong parricide sa piskalya laban dito.(Mark Obleada)