Advertisers

Advertisers

Community pantries binuhay para sa mga drayber

0 12

Advertisers

SA gitna ng malawakang tigil-pasada at patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, muling sumulpot ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maghatid ng tulong sa mga drayber ng Public Utility Vehicle (PUV).
Sa kanto ng Maginhawa at Magiting Streets sa Quezon City, bumida ang mga stall na puno ng bigas, gulay at de-lata.
May bitbit itong mensahe: “Laban ng drayber, laban ng komyuter”, nagpapaalala na ang krisis sa transportasyon ay pasan ng lahat.
Ayon kay Patricia Non, ang tagapagtatag ng Maginhawa Community Pantry, ito ang pinakasimple at pinakamabilis na paraan para suportahan ang mga drayber na hirap na sa mahal na krudo habang nakabinbin pa ang fare hike.
Maliban sa QC, may mga katulad na inisyatiba na rin sa Cubao, Pasig, Marikina, Baguio City at Oriental Mindoro.
Hindi lang sa pagkain maaaring tumulong. Ayon kay Non, ang simpleng pagdadagdag ng piso o dalawa sa pamasahe o ang pakikiisa sa kanilang panawagan ay malaking bagay na.
Nagsimula ang community pantry movement taon 2021 nang maglagay si Non ng maliit na kariton sa Maginhawa Street na may lamang libreng pagkain para sa mga nangangailangan noong panahon ng COVID-19 pandemic.