Advertisers

Advertisers

BOC binulabog sindikato ng drga: P38.7M shabu nasabat sa Pasay Warehouses

0 169

Advertisers

Pinangunahan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksiyon at turnover ng iba’t ibang nakumpiskang ilegal na droga sa Bureau of Customs–Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA), na may kabuuang tinatayang halaga na higit P38 milyon, na nasamsam mula sa mga warehouse sa Pasay City.

Isinagawa ang mga operasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang border protection at pigilan ang pagpasok ng mga ilegal na substansiya sa bansa.



Binigyang-diin ni Commissioner Nepomuceno ang patuloy na pangako ng Bureau sa pagpapatibay ng seguridad sa mga hangganan ng bansa.

“Ang sunod-sunod na interceptions na ito ay patunay ng ating matibay na paninindigang matukoy at mapigilan ang mga ipinagbabawal na kargamento. Patuloy naming pahuhusayin ang aming risk management systems, palalawakin ang koordinasyon sa mga katuwang ahensya, at titiyakin na ang lahat ng kahina-hinalang kargamento at sulat ay masusing masusuri upang maprotektahan ang sambayanang Pilipino mula sa banta ng illegal drugs,” ayon kay Nepomuceno.



Noong Marso 2026, ilang inbound parcels ang na-flag dahil sa kahina-hinalang x-ray images, na nagresulta sa pagkakasabat ng mga ilegal na droga na itinago sa iba’t-ibang padala. Umabot sa 5,691 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P38,698,800, ang nasamsam.

Mula Enero hanggang Marso 2026, nakapagtala ang BOC-NAIA ng humigit-kumulang ₱955.888 milyon na halaga ng anti-drug operations.



Binigyang-diin naman ni District Collector Atty. Yasmin Obillos-Mapa ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na koordinasyon at mahigpit na pagbabantay sa mga inbound shipments. Aniya, naging posible ang matagumpay na mga interception dahil sa pinalakas na risk profiling at pagiging mapagmatyag ng frontline personnel.

Sa ilalim ng mas pinaigting na border protection at matatag na inter-agency cooperation, umabot na sa P1.865 bilyon ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 29, 2026.

isinuko ang lahat ng nakumpiskang items sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa mas malalim na imbestigasyon at wastong disposisyon alinsunod sa umiiral na batas, kabilang ang Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.(BP)