Advertisers
Tapos na ang kuwaresma. Namatay at nabuhay na muli si Kristo.
Marahil ito ang tamang panahon upang mapag-usapan ng masisinsinan ang pagpapasigla sa naghihingalong PBA.
Maraming problema ang unang play for pay league sa Asia kaya kakaunti na sumusubaybay. Una, nandiyan ang hindi balanse na mga line-up sa pagitan ng mga mayayaman koponan at hindi.
Pangalawa ang kumpetensya mula sa paglago ng mga pro na liga sa Japan, Korea at Taiwan kung saan daming mahuhusay na Pinoy ang kabilang.
Pangatlo ang pag- angat ng ibang sports sa Pinas.
Idagdag pa diyan ang iba’t ibang katunggali sa tv ratings.
Eka nga ni Tata Selo ay sangkaterba ang kalaban.
Nguni’t ang lahat ng ito ay matutugunan lamang ng maayos kung magkakasundo ang mga may-ari na palakasin ang opisina ng Commissioner.
Wika ng isang sports analyst ay dapat tulad ng panahon ni Commissioner Rudy Salud na iginagalang sa loob at labas ng PBA.
Unti-unti ay mareresolba ang mga balakid sa pag-unlad. Yung walang papaboran, walang kikilingan. Parehas lang Yung interes ng PBA ang prayoridad hindi ng iilan.
Kaso status quo ang gusto ng mga may kontrol eh. Hayun kaya malabo mabigyan ng solusyon mga suliranin.
***
Alam nyo ba? Na ang pinakamatangkad na manlalaro ng NBA ngayon ay si Victor Wenbanyama.
Ang sentrong Frenchman ng San Antonio ay 7’4.
Mas mataas pa siya ng 3 inches kay EJ Feihl na nagtagal sa PBA.
Samantala ang pinakamaliit naman ay si Yuki Wakamura ng Memphis. Ang Hapon na pointguard ay 5’8 lamang. Malaki pa siya kay pambansang kamao na nakasali rin sa lokal na liga dati. Listed lang ang anak ni Aling Dionesia na 5’5 1/2.
Magkasing liit lang sila halos ni Johnny Abarrientos ng Alaska. Ang Fying A ang sinasabi sanang unang Pinoy na makaposok sa liga nina Michael Jordan at LeBron James.
Ngayon ang may pag-asa na tinuturing ay ang 7’1 na Kai Sotto.
***
Balik sa lupa ang LA Lakers nang sagupain nila ang league-leading OKC Thunder noong Biyernes.
Tambak sila sa homecourt nina Shai Gilgeous- Alexander, 96-139.
Mula opening buzzer ay outclassed ang mga purple and gold. Opensa at depensa ay hindi umubra sina Luka Doncic. Nagka- injury pa ang The Don.
Statement game ginawa ng OKC. Inaasahan na magkakaharap silang muli sa playoffs.
Kailangan makabawi ng bigtime sa OKC ang Lakers sa Miyerkules upang tawagin silang seryosong contender sa korona ng Thunder.