Advertisers
Ni Anne Venancio
Umiigting ang espekulasyon ng “comeback” kina Katrina Halili at R&B singer na si Kris Lawrence matapos silang magbakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang kanilang anak na si Katie nung Holy Week.
Ang dating magkasintahan, na naghiwalay noong 2014 matapos ang limang taon relasyon, ay muling naging laman ng kilig online dahil sa mga larawang at video na ibinahagi ng aktres sa kanyang Facebook account noong Abril 2.
Makikita sa clip ang aktres na nag-e-enjoy sa beach, tumatakbo sa dalampasigan, at nakangiting sumasabay sa alon habang isinusulat ang “MR.B,” tawag niya kay Kris.
Sa dulo ng video, makikitang papalapit si Kris habang nakatingin kay Katrina. “Barefoot in the sand. Ocean air. No noise, no stress, just freedom in motion. This is where everything resets,” caption ni Katrina.
Nag-post din si Kris ng larawan ng kanilang sunset moment. “Some sunsets…you don’t want to end,” aniya. Sa isa pang larawan, makikitang magkatitigan ang dalawa na may caption na “Grabe…and ganda ng view.”
Ayon sa mga netizen, tila hindi na raw simpleng co-parenting lamang ang kanilang samahan. “Nakakakilig kayo dalawa. Panindigan nyo yan!” komento ng isang netizen.
Bago pa man ang bakasyon, naging guest si Kris sa vlog ni Katrina kung saan sinabi niyang bukas siya sa posibilidad ng rekindled romance.