Advertisers

Advertisers

Pagbusisi sa tagong yaman ng mga Duterte

0 17

Advertisers

POSIBLENG malantad ngayong Mierkoles, Abril 22, 2026, ang yaman ng mag-aamang Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment “mini-trial” laban kay Bise Presidente Sara Duterte-Carpio sa Kamara.

Haharap sa pagdinig sina Ombudsman “Boying” Remulla, dating Senador Antonio Trillanes at opisyal ng Anti-Money Landering Concil (AMLC).

Pinadadala kay Remulla ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni VP Sara na itinago noon ni dating “DDS” Ombudsman Samuel Martirez.

Pinatawag naman si Trillanes para masukat ang kanyang kaalaman hinggil sa joint bank accounts ng mag-aamang Duterte (ex-President Digong, VP Sara, Congressman Pulong, Mayor Baste at kabit ni Digong na si Honeylette at anak niyang si Kitty).

Matagal nang ipinangangalandakan at tinatayuan ni Trillanes na ang bilyones ng pamilya Duterte ay galing sa mga iligal na POGO at droga.

Ang AMLC naman ang magpapatunay kung tunay ang mga ibinunyag ni Trillanes.

Ang isyu sa tagong yaman ng pamilya Duterte ay isa sa mga nakasaad sa impeachment articles laban kay VP Sara.

Kapag nakumpirma ang akusasyong ito, malamang na pagbotohan na sa sunod na buwan, Mayo, ang pagpapatalsik kay VP Sara.

Pero kapag lumabas sa pagdinig na mga gawa-gawa lang ni Trillanes ang joint bank accounts o “hidden wealth” ng pamilya Duterte, maaabsuelto si VP Sara at tuluyang babagsak ang kridibilidad ni Trillanes.

Si Trillanes ay kinukonsiderang “mortal enemy” ng Duterte. Isa siya sa mga rason ng pagkakulong ni Digong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Isa rin siya sa mga naging dahilan ng pagkakulong noon ni dating Presidente Gloria M. Arroyo, at naging ugat ng pagpakamatay ni ex-AFP Chief at ex-Cabinet Secretary Angelo Reyes.

Kaabang-abang ang araw na ito. Another “bloodbath” para kay VP Sara.

Sa nakaraang pagdinig, humarap ang dating “bagman” ni VP Sara na si Ramil Madriaga. Ibinunyag niya ang “evil money” na ginamit ni Duterte sa pangangampanya noong 2022. Isinalaysay din niya ang mga naging plano ng mag-amang Digong at Sara laban kay President “Bongbong” Marcos.

Ikinuwento rin niya ang paglustay ni VP Sara sa confidential funds ng DepEd sa loob lamang ng 24 oras, hindi 11 araw tulad ng ipinahayag noon ng Commission on Audit (COA).

Si Sara ay naging DepEd Secretary mula 2022 hanggang sa maghiwalay sila ng landas ni PBBM noong 2024.

Bago ibinalik si Madriaga sa kulungan sa Camp Bagong Diwa ay pumirma siya ng sinumpaang waiver para mabuksan ang “dummy accounts” ni Duterte na nakapangalan sa kanya.

Kaya mga pare’t mare, ‘wag kukurap… subaybayan ang pagdinig ngayon ng House Committee on Justice sa pagbusisi sa mga ebidensiya at pagsukat sa kribilidad ng testigo sa impeachment vs VP Sara.

God save Philippines sa kamay ng mga korap na inihalal ng mga Pilipinong hangal!