Advertisers
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na poprotektahan nila ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero habang nagpapa-tuloy ang mga kaso kaugnay ng kanilang pagkawala, kasunod ng mga alegasyong may mga nagtangkang mag-pressure sa mga ito na umatras sa pagdinig sa korte.
Ayon kay PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., iimbestigahan ng pulisya ang anumang ulat ng pananakot, pamimilit, o panunuhol laban sa mga kamag-anak ng mga biktima.
“Police assistance does not end with case build-up and filing of charges. It extends to ensuring that no mockery of the justice system takes place during the legal process,” aniya.
Hinimok din ng PNP ang mga pamilya na agad i-report ang anumang uri ng harassment.
Ayon sa ulat, ang kaso ay may kaugnayan sa pagkawala ng mga sabungero kungsaan kabilang sa mga kinasuhan si gambling tycoon Atong Ang bilang mastermind ng krimen.
Una nang sinabi ng mga pamilya ng mga nawawalang sabungero na may mga indibidwal umanong konektado sa kampo ni Ang na nagtatangkang pigilan silang dumalo sa hearings. Iniimbestigahan din ngayon ng PNP ang posibleng “secret meetings” at umano’y pakikialam sa kaso.
Samantala, nagpapatuloy ang manhunt operations laban kay Ang, at iniulat ng mga awtoridad na may inilabas na Interpol Red Notice laban sa kanya kaugnay ng kasong kinasasangkutan ng pagkawala ng hindi bababa sa 34 sabungeros.