Advertisers
NIYANIG ng kalunos-lunos na krimen ang San Pablo City, Laguna nang matagpuang walang buhay ang isang mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Del Remedio.
Ayon sa paunang ulat ng barangay, 10:00 ng gabi ng Linggo nang madiskubre ang mga biktima na naliligo sa dugi at walang buhay matapos ang umano’y brutal na pananaksak sa kanila.
Sa video na kuha ng mga opisyal ng barangay, makikita ang emosyonal na pagda-ting ng padre de pamilya matapos matagpuan ang naghihingalong anak bago ito isinugod sa ospital na bina-wian din ito ng buhay.
Unang nasawi ang nanay ng bata.
Nitong Lunes ng umaga, Mayo 25, isang 14-anyos na menor de edad ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad at sinasabing posibleng sangkot sa krimen.
Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon.
Hindi muna isinapubliko ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima at ng menor de edad na suspek alinsunod sa batas na nagbibigay proteksyon sa mga kabataan.
Patuloy na inaalam ng Philippine National Police (PNP) ang motibo sa krimen at kung may iba pang posibleng sangkot sa brutal na pamamaslang.