Advertisers

Advertisers

CEO Atty. Aldwin Alegre ng AQ Prime, bumida sa Bangkok Chess

0 18

Advertisers

Nag-uwi ng tagumpay si AQ Prime CEO Atty. Aldwin F. Alegre matapos talunin ang mga manlalaro mula sa India, Europe, at United States sa 23rd Bangkok Chess Club International Chess Tournament 2026 na ginanap sa Sheraton Hua Hin Resort & Spa, Hua Hin, Thailand.

Sa isang kapana-panabik na laban kontra sa kanyang kalaban mula sa India, ipinakita ni Atty. Alegre—na kilala sa kanyang agresibong istilo gamit ang white pieces—ang “King Indian’s Attack”. Sa ika-16 na galaw, gumawa siya ng matalinong “Knight sacrifice” na nagpilit sa kanyang kalaban na sumuko na sa ika-23 na galaw dahil sa hindi maiiwasang checkmate.

Samantala, tumagal ng anim na oras ang kanyang mainit na laban kontra sa manlalaro mula sa United States. Sa huli, nanaig pa rin si Atty. Alegre matapos niyang gamitin ang “Bishop sacrifice” sa ika-78 na galaw upang siguruhin ang panalo sa end game.

Nagwagi rin siya laban sa kalaban mula sa Denmark gamit ang black pieces at “Modern Defense King’s Indian” matapos ang 38 na galaw.

“Masaya ako at itinuturing kong milestone achievement ito dahil marami akong natutunan sa international tournament na ito sa Thailand. Sana ay magkaroon din tayo ng ganitong malalaking torneo sa Pilipinas sa tulong ng National Chess Federation (NCFP) upang maakit ang mga chess enthusiasts mula sa buong mundo,” pahayag ni Atty. Alegre.

Ang tagumpay na ito ay patunay hindi lamang sa dedikasyon ni Atty. Alegre sa laro kundi pati na rin sa adbokasiya ng AQ Prime para sa kahusayan at matalinong pagpapasya. Binigyang-diin din niya na ang tiyaga at talino ay mahalaga kapwa sa chess at sa negosyo.

Si Atty. Aldwin Alegre ay isang CPA Lawyer na may hilig sa chess mula pa noong bata pa. Siya rin ang organizer ng 10th AQ Prime Chess Standard Open Tournament na gaganapin sa Hunyo 6-7, 2026 sa Ali Mall, Cubao, Quezon City. –