Advertisers
ISA sa may pinakamalaking kongregasyon ng mga panatiko sa relihiyon sa bansa ay ang Jesus Is Lord o JIL.
Tulad ng ibang dambuhalang sekta na bagama’t di dapat nakikialam sa politika sa Pilipinas ay kaya nilang maging kingmaker kapag naging solido ang boto.
Kaya nga nagkaroon ng Senador, Kongresista, Party List at sumubok pang magkaroon ng presidente ng bansa ang JIL.
Malaki ang utang na loob ni Senator Joel Villanueva sa kanilang milyong tagasunod sa JIL pati rin sa ibang relihiyon at masang Pilipino kaya siya naluklok sa trono.
Sa kasalukuyang sigalot sa liderato sa Senado, nakasangga si SJV sa paksiyong ang layunin ay maibalik ang trilyones na salapi ng bayan na kinamkam ng iilang politiko lamang na dapat ay pinakikinabangan ng sambayanan. Dahil me naging hudas sa mga mambabatas ang trese – onse ay naging kompiyang dose kaya kung makukuha sa bulong ni Taning ang pinagpipitagang Pastor na Senador ay maghahalakhakan na ang mga demonyo dahil maliligtas at matatakpan ang maitim na kagagawan ng mga kawatan.
Hangga’t may linaw pa ang utak mahal na sugong anghel ng JIL, HUWAG MAMAMGINOON sa taong ang sinasamba ay salapi kahit di sa kanya.
Sundin ang sambayanan kesa mga kawatang matagal nang pinagsamantalahan ang bayan.
Si HESUS lang ang PANGINOON ng sangkatauhan at di ang Dayunyor na nagkalat ng horror sa pobreng ‘Pinas… MAG-ISIP KA Senator Joel V… ABANGAN!