Advertisers

Advertisers

Out – Standings!

0 32

Advertisers

Hindi po yan outstanding kundi out sa standings.

‘Yan ang mangyayari sa UE Warriors matapos hindi man lang nanalo sa unang round ng UAAP.

O-7 ang naitala nila na W-L rekord.



Ni isang koponan ay hindi nila kinaya.

Kaya sabi ni Pepeng Kirat ay wala na silang pag-asa makapasok sa Final Four ng liga.



Samantala mahigpit ang labanan ng pito pang pamantasan. 1 o 2 victory lang ang pagitan ng mga team.

Nasa ibabaw ang National U at University of the Phils na kapwa 5-2. Sinundan sila ng Far Eastern U, Santo Tomas U at Adamson na may 4-3. Tapos ang magkaribal na Ateneo at De La Salle ay 3-4.



Yang pitong unibersidad malaki pa ang tsansa sa playoffs.

Red Warriors panggulo na lang sa pangala?wang round.

***

Sa Miyerkules ay simula na ang NBA 2026-27 season.

Opening day triple header – Celtics vs Pistons, 76ers vs Knicks at Thunder vs Spurs.

Mapapanood ang mga game sa Cignal Channel 6 One Sports at NBA TV Philipiines 96 at 262. Siyempre available din sa livestreaming via NBA League Pass at Cignal Play.

Sa puntong ito ay punong-puno na ng basketball ang matutunghayan natin.

Ongoing ang PBA. Nandiyan din ang UAAP at NCAA. Mapupurga na naman tayong mga Pinoy sa paborito nating laro.

Mabuti ang mga laban nina LeBron James sa umaga sked sa Manila pero ang sa PBA at dalawang collegiate league sabay-sabay lalo na sa weekend.

***

Nagdiwang kamakailan ng ika-89 na kaarawan sa Legacy Art Gallery sa Makati si Dante Silverio, ang coach at manager ng Toyota noon.

Siyempre nandoon sa party ng kampeon ding car racer ang mga cager niya tulad ni Ed Cordero. Pero dumalo rin ang mga taga-Crispa gaya nina Atoy Co, Freddie Hubalde at Tito Varela. Kantiyawan pa rin sila hanggang ngayon. Hehe.

***

Hindi nakarating si Mayor Leni Robredo sa Iloilo Bayanihan Run ng Angat Buhay niya noong Linggo ng umaga.

Pero tuloy ang patakbo ng sampung taong AB na suportado ng SM Malls, Careline, Decathlon,

Ever Organics at Healthway.

Masaya pa ring nagtakbuhan ang mga tao sa 1k 3k, 5k at 10k na mga kategorya.

Ilan sa mga tanyag na personalidad na nakilahok sina Alfred Vargas at Kit Belmonte.

Na-miss si LGR ng mga Ilonggos na inaasahan siyang makita. Busy raw sa mga aktibidades sa Naga na pati Sabado at Linggo may kaganapan.

Tingnan kung yung fun run na susunod sa GenSan sa ika-29 ng Nobyembre ay sisipot ang malakas pa rin sa survey kahit umaayaw para sa 2028.

Eka pa naman ng kaibigan nating CPA-lawyer ay maigi pa naman ito upang malaman niya ang pulso ng bayan hinggil sa halalan sa pangpanguluhan.

Message 2 of 2. For JAWS, turn virtual PC Cursor on if needed.