Advertisers
NAPILAY ang guwardiya ng Golden State Warriors na si Stephen Curry matapos madulas ang kaniyang kanang bukung-bukong sa isang noncontact na galaw sa isang open practice para sa mga fans noong Linggo, Oktubre 18. “He said he’s fine,sabi ni coach Steve Kerr pagkatapos ng event sa Chase Center.
Magbubukas ang Warriors ng season sa Miyerkules on the road laban sa Los Angeles Lakers.
Noong nakaraang buwan, nakatanggap ng dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng $116 milyon ang 38-anyos na si Curry — tumanggap siya ng diskwento na $20 milyon na mas mababa kaysa sa pinakamataas na inalok sa kanya. Papasok na siya sa kanyang ika-18 na NBA season at nakatuon sa pagtatapos ng kanyang karera sa Golden State.
Nag average si Curry ng 26.6 puntos, 4.7 assists, 3.6 rebounds, at 1.1 steals noong nakaraang season pero limitado lang siya sa 43 games dahil sa mga injury. Na-miss niya ang 27 sunod-sunod na laro at higit sa dalawang buwan sa huling bahagi ng season dahil sa injury sa kanang tuhod, at hindi nakapasok ang Warriors sa playoffs, natalo sa Phoenix sa play-in tournament.