Advertisers

Advertisers

Engineer binaril-patay sa tapat ng tindahan

0 3

Advertisers

BUMULAGTA ang isang engineer at kawani ng gob-yerno nang pagbabarilin sa kahabaan ng national highway sa Poblacion, Buluan, Lunes ng gabi, Abril 20.
Kinilala ang biktima na si Abdul Ambroso Sandigan, 65 anyos, may asawa, at residente ng Tacurong City, Sultan Kudarat.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Buluan Municipal Police Station, 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente.
Nakatayo ang biktima sa harap ng isang tindahan nang lapitan at paputukan ng mga salarin gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib at likod ang biktima.
Isinugod pa ang biktima sa Buluan District Hospital, subali’t idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad, nagsagawa ng hot pursuit at dragnet operations upang matunton ang mga salarin.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.