Advertisers

Advertisers

EJK victims counsel inilatag ang 2 legal na batayan para ituloy ng ICC ang imbestigasyon at paglilitis vs Digong

0 13

Advertisers

INILATAG ng legal counsel ng extrajudicial killings (EJKs) at human rights lawyer Neri Colmenares ang dalawang legal na batayan para ipagpatuloy ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon at posibleng paglilitis laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, kahit kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019.

Una, ayon sa abogado, sa ilalim ng Article 127, nananatili ang obligasyon ng bansa sa mga kasong sinimulan habang miyembro pa ito ng Rome Statue, kabilang ang preliminary examination na inilunsad noong 2018.

Ikalawa, sinabi ng abogado na kinilala ng pamahalaan ang hurisdiksyon ng ICC sa pamamagitan ng mga naging aksyon nito, kabilang ang pagsusumite ng mga dokumento noong 2021 at 2022 na humihiling na ipagpaliban ang imbestigasyon.



Subalit nagbabala si Atty. Colmenares na kung papanigan ang kampo ni Duterte, maaaring mahikayat ang ibang lider na umiwas sa pananagutan sa pamamagitan ng pag-withdraw sa ICC.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">