Advertisers

Advertisers

BERT SA ANTIPOLO, MAY PAGKUKULANG SA PAGRESPONDE

0 881

Advertisers

Matatandaan nitong July 13, taong kasalukuyan isang biktima ng aksidente ang naganap sa pagitan ng alas otso imedya at alas nuebe sa kahabaan ng Marcos-Infanta hi-way sa tapat ng SM Cherry.

Ang biktima ay kinilalang si Geobert, 20-taong gulang na residente ng Brgy. Bagong Nayon, Lungsod ng Antipolo.

Ayon sa ilang saksi sa pangyayari nakita nila ang grupo ng mga nagmomotorsiklo na paakyat ng Cogeo, Antipolo sa nasabing lugar nang biglang may sumadsad sa barrier sa gitna ng kalsada.



Nakita na lamang nila na tila nagpupumilit tumayo ang biktima, kaya mistulang nakaupo ang biktima kasama ng ilang kasama nitong nagmomotorsiklo na nag-aasiste ng trapiko.

Nang dumating ang Barangay Emergency Response Team (BERT) o ambulansya ng barangay ay agad-agad na nag-alisan ang mga ka-grupo nito.



Ayon pa sa saksi, tila wala naman ginawa ang rumespondeng ambulansya, dahil hinayaan lang nila na nakaupo ang biktima na nakasuot pa ng facemask at helmet na di man lang nilapatan ng paunang lunas.

Halos magdalawang oras umano bago naialis ang biktima sa pinangyarihan, may dumating na isa pang van, na ang inaakala nila ay mismong ambulansya na ng hospital ehh punerarya service na pala.



Ito marahil ang nakikitang pagkukulang ng pamilya ng biktima sa mga rumespondeng Barangay Emergency Response Team, kaya maraming katanungan sa kanilang isipan.

Unang tanong ay bakit hindi nilapatan ng paunang lunas ng rumesponde, hindi ba bilang rescuer alam dapat nila ang paunang lunas o yung pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong o pangangalaga sa taong napinsala o biktima?

Bilang response team o rescuer tungkulin nitong isagawa ang mga paunang lunas o first aid sa biktima bago ito dalhin sa hospital o doktor na mas nakakaalam?

Sa mga larawang ipinadala sa inyong abang lingkod, sa aking pagkakaunawa at pagkakaalam hindi dapat hinayaang nakayukong paupo ang biktima.

Unang-una mga dear readers, ang dapat gawin ng rumespondeng rescuer ay alamin ang kundisyon ng biktima kung ito ay gising o alam pa ang nangyayari sa paligid nito.

Dapat kausapin ang biktima at alamin kung may reaction pa ang biktima sa iyong pakikipag-usap, pwedeng kurutin kung nakikitang walang malay para malaman kung may reaksiyon ang biktima sa pamamagitan ng paggalaw ng ano mang parte ng katawan.

Kung wala pa rin reaksiyon ang biktima sa kahit anong tanong o sa pagkurot eh walang nadaramang sakit o talagang walang malay, dapat alamin na kung ito ay humihinga pa o hindi na.

Paano malalaman kung ito ay humihinga pa o hindi na kung ang biktima ay tinitigan o pinapanood lang at hinayaang nakaupo?

Hindi ba dapat ay siguruhing walang nakahaharang sa paghinga nito o tingnan kung tumataas-baba rin ang dibdib, pakiramdaman kung humihinga ito at pakinggan sa dibdib kung may maririnig na tunog ng paglaguklok o alamin kung may pulso pa ang biktima?

Importante kasing i-monitor ang paghinga ng biktima at higit sa lahat agad ding tumawag ng ambulansya upang madala ang biktima sa pinakamalapit na ospital, kung wala rin naman alam sa mga paunang lunas.

Dahil kahit hindi galawin ang biktima, kung ito ay hindi naman nakakahinga ng maayos gawa ng pagkakaupo, dagdag pa ng facemask at helmet na suot ay maaari talagang ikamatay.

Kaya ang panawagan natin kay Mayor Andrea Ynares, Madam magsagawa po kayo ng training at seminar sa mga Barangay Emergency Response Team (BERT).

May kasunod…

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com