Advertisers

Advertisers

Gagawa pa ng movie sa Star Cinema… Paglipat ni Kathryn sa GMA, fake news!

0 336

Advertisers

DAHIL  virtual na ang ginagawang presscon ngayon ng ABS-CBN at GMA ay madalas hindi pa man nangyayari ay ibinabalita na ng mga vlogger sa kanilang Youtube channel ang mga Kapamilya stars na lumipat na raw sa GMA.

Unang biktima ay si Sarah Geronimo na mabilis na pinabulaanan ng Viva management na may nakahanda nang grand welcome para kay Sarah sa paglipat nga raw nito sa Kapuso kaya butata rito ang tinutukoy nating mga vlogger. Ngayon ay si Kathryn Bernardo naman daw ang babalik sa GMA dahil wala na itong trabaho sa ABS-CBN, pero iiwan daw ni Kathryn sa ABS-CBN ang ka-loveateam at nobyong si Daniel Padilla.

Well, ayon sa ating source, may existing contract pa si Kath sa Kapamilya network ay may movies pa silang gagawin ni Daniel sa Star Cinema. Yes, kapag nagbukas na ang mga sinehan ay mag-uumpisa na raw mag-shooting ng bagong movie nila ang KathNiel loveteam. Pagdating naman sa TV project ng mga ito ay malamang gumawa rin sila sa Kapamilya channel lalo’t pinalalakas ngayon ng ABS-CBN ang kanilang digital platforms.



Dagdag pa ng ating kausap hindi ganoon kadali o sa isang iglap na tumalon sa Siyete ang mga artista ng Dos, at marami pang prosesong dapat pag-usapan sa pagitan ng mga arista at ng Star Magic. Kaya sana naman itong mga vlogger na mahilig sa hearsay, bago kayo magbalita ay better check your facts kung totoo o hindi. Walang-wala na kayong mga kredibilidad.

***



DREAM RED HOUSE NI DOVIE SAN ANDRES, PINAG-IIPUNAN

KUNG tutuusin kung hindi lang naloko sa pera ng iba’t ibang tao ang controversial social media personality na si Dovie San Andres ay certified milyonarya na si Dovie.



Ngayon ay marami pa rin ang gustong perahan siya na kunwari ay uutang o hihingi sa kanya ng ayuda na hindi naman niya kaano-ano kundi kaibigan o followers lang sa kanyang Facebook.

Hindi naman masamang tumulong, pero huwag naman maging makapal at hindi naman sobrang well-off si Dovie. Hayan sa latest post ni Dovie sa FB ay sinabi nitong magtitipid na siya at magsisimula ng mag-ipon uli dahil balak niyang patayuan ng kanyang dream house ang pag-aaring lote sa Bikol.

At ang gusto ni Dovie dahil mahlig siya sa kulay pula ay red ang motiff ng kanyang pinapangarap na mansyon. Nakabili na rin ito ng Camaro Car na kanyang hinuhulugan sa kanyang youngest baby brother na si Jhie.

Well, good for Dovie at least natuto na siya sa kanyang lesson na madalas mabola at maloko ng mga baguhang actor at nung pekeng director na niloko siya ng malaking halaga few years ago. (Peter Ledesma)