Advertisers

Advertisers

Carla, iniisyung nakigulo sa isyu nina Jennylyn at Patrick

0 35

Advertisers

Ni Archie Liao

Sa kanyang story, nag-share si Carla Abellana ng opinyon ng isang abogado sa isang item kung puwedeng kasuhan ang tatay na hindi nagsusustento sa kanyang anak.

Affirmative naman ang naging sagot ng nasabing legal expert.



Ayon sa lawyer, isang uri raw ng violence against women and children ang pagkakait ng sustento sa bata.

Ito ay kahit hindi kasal ang magsyota o magdyowa.



Sey pa ng attorney, obligasyon daw ng lalake ang magbigay ng kanyang suporta sa pangangailangan ng anak sa babaeng nabuntis.

Napag-usapan naman ang isyung ito nang matalakay ng mga katkatera at sawsawera sa isang umpukan.



Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Ba’t ang daming gustong sumawsaw sa isyu nina Patrick at Jen?”
“Alam kasi nila ang pinagdaanan ni Jen kaya nakiki-symphatize sila.”
“Nagsustento naman noong una si Patrick sa anak nila ni Jennylyn, di ba?”
“Day, di consistent. Noong wala nang raket, nahinto na.”
“After he stopped seeing Jazz in 2018, nahinto na rin. Sabi pa nga niya, paano niya ibibigay eh di sila nagkikita.”
“Sawsaw pa more.”
“Concerned lang si Carla kay Jen.Mabait kasi si Jen and she doesn’t deserve to be treated this way.”
“Ang dami nang tagapagtanggol ni Jen.”
“Carla, asikasuhin mo na lang ang paggawa ng baby ng hubby mo.”
“May pa-side kay Patrick. Kaloka.”