Advertisers

Advertisers

Kim naiyak sa pagtigbak ng teleserye; Juday happy sa pagbabalik-talent show ng mister na si Ryan

0 313

Advertisers

MAAYOS na natapos ang serye na Love Thy Woman nina Kim Chiu at Xian Lim sa Kapamilya Channel.

Naging malapit sa isa’t isa ang buong cast simula nang masimulan ang nasabing serye at hanggang inabot na nga ito ng aberya dahil sa Covid-19 pandemic.

Sa IG post ni Kim eh nag-post ito ng pasasalamat sa tumayong ama niya sa serye na Love Thy Woman na si Christoper De Leon.



Na-feel nito ang pagiging ama ni Boyet kahit acting lang ang ginagawa nila sa nasabing serye.

At dahil sa pagtatapos ng serye nina Kim at Xian eh naging emosyonal naman ang actress sa pagtatapos ng kanilang serye.



Ganon nga raw si Kim kapag nagtatapos ang kanilang show na ginagawa talagang malungkot at naiiyak.

Naging malapit naman kasi si Kim sa lahat mula sa mga kasamahang artista at staff at crew.



Kaya ganun na lang kalungkutan ng lahat lalo na nga nitong bida na sina Kim at Xian.

Sa kabila ng pandemya eh nairaos naman ang teyping at eto nga at mag-end na ang serye.

Nagpasalamat nang bonggang-bongga si Kim sa mga sumubaybay sa Love Thy Woman na kahit inabot ng pandemic eh nairaos pa din itong i-shoot af now eh magtapos na.

At sa IG post ni Kim, inamin nito na mami-miss niya ang kanilang serye na itinuring na nitong pamilya ang mga kasamahan.

***

MAITUTURING na kauna-unahang talent search show ang dating show na mismong si Ryan Agoncillo, ang host.

Dahil nga raw sa Talentadong Pinoy ni Ryan eh marami na ngang naglitawan na talent search show.

At dahil naman sa pagbabalik ng dating show ni Ryan eh isa si Judy Ann Santos sa tuwang-tuwa na nagkaroon na ng sariling show ang mister at ang dati pang programa na siya mismo ang nag-host.

Kaya naman naisip ng netizen na baka nga raw kaya waley na at hindi na ito nasa-sight dahil sa pagbabalik ng show ni Ryan, ang Talentadong Pinoy.

Na-miss din ni Ryan ang kanyang solo show hosting job at dito nga raw sa Talentadong Pinoy nahasa nang bongga ang pagho-host ni Ryan.

Kaya hindi naman maialis sa esmi ni Ryan ang kasiyahan sa pagbabalik nito sa dati nitong show na siya ang host.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)