Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Hindi apektado si Rodjun Cruz kung ang dating sa ibang tao ay mas malaki ang kinikita ng misis niyang si Dianne Medina.
Si Dianne ay abala sa pagiging content creator, actress/host at entrepreneur at sa bagong tatag na DM Studios.
Si Rodjun ay isang actor/ dancer at content creator.
“Never akong nagkaroon ng insecurities kay Dianne, dahil sa awa ng Diyos, magmula nang maging kami ni Dianne, tuluy-tuloy ang trabaho ko.
“Halos lahat ng istasyon nalipatan ko na, halos lahat ng parte Luzon, Visayas at Mindanao, naikot ko na.
“Ngayon kasi nagpo-post tayo sa social media, di naman nila alam lahat ng pino-post
“Talagang binless tayo ni Lord na parehas kami lagi na may ginagawang work.
“Ang maganda sa amin ni Dianne nag-start kami na may dream, may pangarap.
“Kaya nga hindi kami ikinasal agad kasi ako mismo gusto ko bago ko pakasalan si Dianne, may enough savings na rin ako.”
Alam ni Rodjun sa sarili niya na masipag siyang magtrabaho lalo pa nga at bata pa lamang sila ng kapatid niyang si Rayver Cruz ay nag-aartista na sila.
“Ako, proud ako sa asawa ko kahit sabihin nila si Dianne magaling, madiskarte.
“Pero kami ni Rayver, eleven pa lang ako, si Rayver nine, nagtatrabaho na kami. Alam namin ang hard work. And hindi biro na maabot namin kung nasaan kami ni Rayver ngayon.
“Alam natin sa industry na hindi forever yan, e. Minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka.
“Sa industry natin, pag di ka na masyadong visible, nag-age ka na, hindi lagi kang may work.
“Yun ang maganda sa amin ni Rayver, na-all around kami, bukod sa pag-aartista, bukod sa pag-arte, may mga out-of-town shows kami.
“Mabuti na rin na mayroon tayong mga followers, naging influencer tayo, nagpo-promote tayo ng mga brands din.
“Marami naman tayong kayang gawin, ginagawa. Pero di ko naman kayang sabihin sa ibang tao kasi ako hangga’t maari, bina-balance ko ang lahat.
“Thankful na lang ako kay Lord na continuous yung blessings.
“Hindi ko pinapatulan ang mga ganun kasi ang mga bashers, wala naman silang ginagawa pero sila yung masyadong perfect na, ‘O, walang ginagawa.’
“Sobrang proud ako sa aming mag-asawa. Kunwari, mas lumaki ang kinikita sa akin ni Dianne, okay lang sa akin yun, asawa ko naman yun.
“Ang maganda sa amin ni Dianne, team kaming dalawa.”