Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Aminado si Jayda Avanzado na puppy love niya ang TV host at crooner na si Darren Espanto.
Naging bahagi raw kasi si Darren ng kanyang growing up years.
Nagkasama rin daw kasi nila noon sa isang noontime variety show at iba pang mga ganap kung saan lumawig pa ang kanilang pagkakaibigan.
Gayunpaman , naniniwala raw siya na may mga nangyayari sa buhay na talagang itinadhana.
Nalulungkot lang daw siya na nagbago na ang mga prayoridad sa kanilang mga buhay sa kasalukuyan.
Kung tutuusin, naging sad daw siya at halos iniyakan ang pagkaunsyami ng kanilang friendship ng singer-actor.
Gayunpaman , wala raw naman siyang ill feelings kay Darren dahil tanggap niya na tila di sila ukol.
Masaya rin daw siya kung anuman ang na-achieve ng birirerong singer.
Tungkol naman sa kanyang pag-aartista, aminado naman siyang posibleng maikumpara siya sa mga magulang na sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado.
Sey pa niya, ayaw daw niyang ma-pressure sa achievements ng kanyang parents, dahil may sarili siyang path na gustong tahakin.