Advertisers
Ni Anne Venancio
HINDI pa umano buo ang P5.838M recommended bail para kay Lakambini “Lakam” Chiu, na nahaharap sa 124 counts ng qualified theft.
Ang chika, mahigit P700,000 pa ang kailangang maipon para maabot ang inirekomendang halaga ng piyansa.
Ang siste ng mga marites, pautangin nga kaya siya ni Kim?
Mangibabaw kaya ang blood sa magkapatid?
Samantala, naaresto si Lakam noong Setyembre 20, bandang 4:06 PM, sa Wack Wack, Mandaluyong City. Ang pag-aresto ay isinagawa ng QCPD sa bisa ng warrant mula sa Quezon City RTC Branch 84.
Nagsimula ang legal battle matapos magsampa ng reklamo si Kim Chiu noong Disyembre 2025 hinggil sa umano’y nawawalang corporate funds ng House of Little Bunny Philippines Inc.
?44.396M umano ang kabuuang halagang naging basehan ng mga kasong isinampa.