Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAKARANAS pala ng pambabastos si Fyang Smith recently lang mula sa kanilang director sa isang content shoot. Ito ang ikinwento niya sa guesting nila ng kaloveteam na si JM Ibarra sa isang show.
Sabi ni Fyang, “Nagko-content shoot ako. And then, parang umabot sa point na, syempre ang ikli ng suot, naka-tube lang ako. Tapos una pa lang, naiilang na ako kasi,ang dami niyang sinasabi. Pero ako syempre, dahil director siya, respectful ako.
“Tapos nabastusan ako, kasi nagsumbong sa akin ‘yung assistant ng make-up artist ko.
Sabi niya, “Sabi nu’ng director mo, ang sarap mo raw.”
Pagkarinig nu’n ay nag-chat na agad si Fyang kay JM para magsumbong.
Agad namang pinuntahan ng huli ang una sa location ng content shoot nito, para sugurin at komprontahin ang director.
Pagpasok ng aktor sa dressing room ni Fyang, ay agad nitong tinanong ang ka-loveteam kung sino ‘yung director.
Pagkaturo ni Fyang sa kanilang director ay agad itong nilapitan ni JM.
Sabi ni JM sa director, “Hoy, halika rito! Anong sinasabi mo kay Fyang?”
Nag-deny naman ang director, na ayon sa kanya ay wala siyang sinabi na pambabastos kay Fyang.
Pagkarinig nu’n ay pinapasok ni Fyang sa kanyang dressing room ang assistant ng make-up artist niya.
“Sabi ko, ikaw, anong narinig mo? Anong sinabi niya?”
“Sabi niya, ang sarap mo raw.”
Pagkatapos nu’n ay hinarap ni Fyang ang kanilang direktor at sinabihan ito ng, “Bakit mo ako sinabihan ng masarap? Sasampalin kita!”
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye sina JM at Fyang kung paano nagtapos ang komprontasyon na ‘yun.
Pero syempre, kinilig ang kanilang mga faney sa pagiging protective ni JM kay Fyang.