Advertisers

Advertisers

Joyce Pilarsky sunod sunod ang blessings, launching ng single na “Walang Imposible” patok

0 12

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MATAGUMPAY ang ginanap na launching ng single ni Joyce Pilarsky na pinamagatang Walang Imposible, composed by Vehnee Saturno. Ginanap ito last Friday sa Teatrino Promenade Greenhills.

Actually, sunod-sunod ang blessings na dumarating kay Ms. Joyce, bukod kasi sa single niya, nanalo rin siya kamakailan bilang Mrs. Elite Elegante World International 2026, na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.



Bukod sa nasabing korona, kabilang sa nakamit niyang special award dito ang Grand champion – Talent Competition, Grand winner – National Costume, 2nd Place – Best in Evening Gown (na siya mismo ang nag-design), at Most Popular Candidate.

Si Ms. Joyce ay isang aktres, singer, movie producer, model, at fashion and jewelry designer.



Nagkuwento siya hinggil sa kanyang single.

Aniya, ”I really praise and thank God na binigyan niya ako ng chance ngayon to promote this. Kasi matagal na ito, eh. Parang gusto ko siyang i-launch noon pa. Kaya lang parang ang daming nangyayari. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin nalo-launch.



“I think, I believe, may plans talaga si Lord sa buhay natin. Hindi natin alam kung bakit.”

Wika pa ni Ms. Joyce, “Yes, I have a music video, please listen to the song, it’s in Spotify and YouTube already.”

Nabanggit din niyang ito ay isang inspirational song.

“Yes, it’s an inspirational song… Nothing is impossible, you have to pursue your dream and never give up.

“Ang song is about hope, never giving up… Lagi lang mangarap, magdasal kay Lord, gawin ang inyong best and God will do the rest.

“Believe in yourself and your abilities. Smile at your problems, it will come to pass. I would like to inspire people, to follow their dreams at any age.”

Pagpapatuloy niya, “Makikita n’yo rin na ang tagumpay ay walang imposible. Kasi hindi ba, sumali ako sa Miss Universe two years ago, e 69 years old na ako that time.

“No one will ever think na one day i-change nila ang rules, ‘di ba ? E dream kong mag-join ng Miss Universe when I was younger, pero ayaw ng daddy ko, e. Kaya I didn’t pursue, iyon pala at age 69, makakasali pala ako.

“E ‘di sumali ako, marami akong na-inspire but of course, we can’t please everybody. May mga bashers din, pero hindi sila hadlang para tuparin ko ang pangarap ko.”

Ano ang kanyang priority ngayon, showbiz or beauty pageant?

Sambit niya, “I will concentrate naman now sa music ko, pero I want to do more movies din, as an actress not a producer muna.

“Saka I also want to do some commercials and work sa TV as a host or consultant about health and wellness and beauty. Iyong mga ganoong topic sana.

“Tatapusin ko ang aking reign as Mrs. Elite Elegante World International, one year ito, e.”