Advertisers

Advertisers

Liza Soberano, nag-take ng leap of faith para sa Hollywood dream

0 3

Advertisers

Ni Camille Guarin

Ibinahagi ng aktres na si Liza Soberano ang hirap na pinagdaanan niya nang magdesisyon siyang i-pursue ang kanyang Hollywood dream.

Sa YouTube channel ng broadcast journalist na si Karen Davila, naging guest si Liza at napag-usapan ang naging desisyon niyang umalis sa Pilipinas noong 2022 para subukang makapasok sa Hollywood.



Diretsahang tinanong ni Karen si Liza kung naging madali ba para sa kanya ang pag-alis sa Pilipinas, lalo na’t isa na siyang big star sa bansa nang panahon na iyon.

Ani Liza, hindi naging madali ang kanyang desisyon dahil nakaranas din siya ng self-doubt at hindi niya alam kung tama ba ang naging hakbang niya.



“It definitely wasn’t easy. I mean, there was this time that I had, I was full of self-doubt ’cause I didn’t know if I was good enough. I didn’t know if it was the smart move. Obviously, it’s my first time also living on my own in the States. So that was also scary, being away from family,” ani Liza.

Ikinuwento rin niya na ibang-iba ang entertainment industry sa Amerika kumpara sa Pilipinas, kahit may ilang pagkakapareho.



“It was really difficult because everything was new territory for me. And on top of that, obviously, there was a lot for me to lose ’cause, like you said, I was, I would say I was at the top of my game when I left at the time. And so there were a lot of projects that were potentially lined up for me. I had ongoing endorsements,” dagdag pa niya.

Gayunman, pinili pa rin ni Liza na ilagay muna sa hold ang mga nakalatag na oportunidad sa Pilipinas para subukan ang kanyang kapalaran sa Los Angeles.

“But I decided to kind of put all of that on hold to pursue a career in LA, not knowing kung ano yung kalalabasan nun.”

Well, malaking leap of faith nga ang ginawa ni Liza. At least, sinundan niya ang dream niyang maging Hollywood star.

Hindi rin naman lahat kayang talikuran ang kasikatan at mga nakasanayang oportunidad sa Pinas para lang sundan ang isang pangarap. Kaya bilib si yours truly sa tapang ni Liza na sumugal para sa kanyang Hollywood dream.

Kaya naman, dream, believed, survived. Hollywood edition, mga bestie.

***
Mga Bagong Obra ng Pinoy Filmmakers, Bida sa Puregold CinePanalo 2026

Tampok ang 26 na orihinal na pelikula at ang mga mahuhusay na filmmaker at artista sa ginanap na mediacon ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026 sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2, Araneta City.

Bukod sa mga batikang direktor at artista, tampok din ngayong taon ang mga bagong mukha at aspiring filmmakers na handang ipakita ang kanilang talento sa industriya sa pamamagitan ng iba’t ibang genre ng pelikula.

Pinangunahan ni TV personality Migs Almendras ang mediacon kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga filmmaker at cast na ibahagi ang kanilang mga proyekto at magbigay ng sneak peek sa mga pelikulang mapapanood sa festival.

Para sa coming-of-age film na “Apol of My Ai,” dumalo sina director Thop Nazareno at mga artista nitong sina Zion Cruz at Rochelle Pangilinan.

Samantala, kinatawan naman ng fantasy film na “Beast” si producer Meg Bryan Bermudez kasama ang supporting cast na sina Candy Pangilinan, Karl Medina, Ruslan Jacob at Dax Alejandro.

Dumalo rin para sa tahimik ngunit kuhang-kuhang drama na “Mono No Aware” sina director BC Amparado, producer Patricia Salic at lead actor Juan Karlos Labajo.

Para naman sa supernatural at queer film na “Multwoh (Patay Na Patay Sa’yo),” present si director Rodina Singh kasama sina Sassa Gurl, Joao Constancia, Phi Palmos, Gaia Poly at Inah Evans.

Samantala, tampok din sa mediacon ang pelikulang “Patay Gutom,” kung saan dumalo ang mga aktor na sina Khalil Ramos, Cris Villanueva at Alwyn Uytingco, kasama ang co-directors na sina Carl Joseph Papa at Ian Pangilinan.

Present din si director Mikko Baldosa para sa romantic comedy na may deadly twist na “Stuck on You,” kasama ang lead stars na sina Xyril Manabat at River Joseph.

At siyempre, dumalo rin si director Joseph Abello upang ipakilala ang “Wantawsan,” isang slice-of-life comedy na may kurot ng political dilemma.

Kasama rin sa mediacon ang 19 na filmmakers na kalahok sa student shorts category ngayong taon. Galing sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga batang filmmaker na handang ipakita ang kanilang talento at mag-iwan ng marka sa industriya.

Ayon kay Ivy-Hayagan Piedad, festival chair ng Puregold CinePanalo, bawat pelikula ngayong taon ay sumasalamin sa passion at dedikasyon ng mga creator nito.

Layunin umano ng CinePanalo na mabigyan ng platform ang mga kuwentong likha ng mga Filipino filmmaker upang mas marami pang manonood ang makakilala at makapagdiwang sa kanilang mga obra, habang patuloy na sinusuportahan ang paglago ng Philippine cinema.

Samantala, narito naman ang mga pelikulang kabilang sa Puregold CinePanalo Full-Length Category ngayong taon:

“Apol of My Ai”
Director: Thop Nazareno
Starring: Zanjoe Marudo, Zion Cruz at Rochelle Pangilinan

“Beast”
Director: Lawrence Fajardo
Starring: John Arcilla

“Mono No Aware”
Director: BC Amparado
Starring: Juan Karlos Labajo at Perry Dizon

“Multwoh (Patay Na Patay Sa’yo)”
Director: Rodina Singh
Starring: Sassa Gurl at Joao Constancia

“Patay Gutom”
Directors: Carl Papa at Ian Pangilinan
Starring: Khalil Ramos, Ian Pangilinan, Agot Isidro at Cris Villanueva

“Stuck on You”
Director: Mikko Baldosa
Starring: Xyril Manabat at River Joseph

“Wantawsan”
Director: Joseph Abello
Starring: Joross Gamboa, Rita Daniela at Zion Cruz