Advertisers

Advertisers

ARYA TIPSTERS HINA-HUNTING NG NSJBI?

0 2,021

Advertisers

Wow.., sa halip na sinserong ayusin ang depekto ng CONDOMINIUM HIGH RISE PROJECTS ay pangha-HUNTING sa kung sino ang nagsisilbing ARYA TIPSTERS daw ang isa sa pinagkokonsentrahan ngayon ng pangasiwaan ng NEW SAN JOSE BUILDERS INC. (NSJBI).

Ngarag na raw at nanggagalaite sa pagkagalit ang pangasiwaan ng NSJBI at pilit inaalam sa mga UNIT OWNER kung sino ang nagbibigay ng info sa ARYA.., dahil pasulpot-sulpot ang pambabatikos na ikinasisira sa imahe ng VICTORIA DE MORATO na isa sa mga HIGH RISE CONDO PROJECTS ng NSJBI.

PAGING NSJBI MANAGEMENT.., huwag na po ninyong alamin kung sino-sino TIPSTER ng ARYA sa halip po ay iayos agad ang mga depekto ng gusali upang huwag nang maulit muli na mayroong mamatay dahil nahulog sa elevator.., kailangan pong maibigay ninyo ang SAFETY NETS ng mga naninirahan sa 45-palapag ng VICTORIA DE MORATO na mayroon ngang WATER SPRINKLER e wala naman daw laman na tubig at nitong nagdaang Linggo ay nangako na raw kayo na lalagyan na ninyo ng tubig.., ayyyy ano ba yan?



“Sir Irwin.., ngarag na po ang buong NSJBI ngayon dahil sa inyo.pong pambabatikos sa inyong kolum. Magkakaron na raw po ng bagong subcon para unahin ang pagsasaayos ng mga leak. Next dito yun pag-sched nila per floor para sa testing ng smoke detector at sprinkler. Problemado lang sila kung pano lahat ng ocupied na unit per floor ay magtutugma ang sched. Aprub na rin daw po ang budget para sa mga expired na fire extinguisher at fire hose na kasama sa itetest once mafinalize ang swak n sched ng lahat ng unit per floor.l,” bulong ng ARYA TIPSTERS.

“May instruction ulit ang QC GOVERNMENT na 3-months deadline para sa safety issues ng Victoria De Morato.., inshort ay dapat November 2026 or pinaka-late na ang December 2026 ay maacomplish na ng Victoria De Morato ang para sa mga safety issues. Infairness, kahit hindi nagrereply ng maayos ang QC GOVERNMENT e gumalaw po sila ngayon dahil sa dami ng mga reklamo sa sitwasyon ng Victoria De Morato po,” bulong ng isa pang ARYA TIPSTER.



“Inalam po namin about permit kung pano nagkaron eh hindi safe ang buong building.., una walang permit to operate ang mga elevators; pangalawa walang proper ventilation ang dalawang control room sa roof top kaya palagi sira ang mga elevator at napakainit. Fire exits mamatay ka hindi ka maliligtas pag emergency. Mga fire extinguisher expired.., so pano nagkaron yan ng mga permit? Since 2020 up to now walang pagbabago sa safety ang buong building.., may namatay na nga sa Victoria De Morato kasi yung tao e nahulog sa elevator,” saad naman ng isa pang ARYA TIPSTER.

Isiniwalat pa ng TIPSTERS na nagkaroon daw ng pagbabawal ang DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD) na makaakyat ng diretso sa 5th floor ang mga concern citizen, para makapag request directly sa records/docket pertaining sa particular condo project… na dati umano ay nakakarekta sa 5th floor Records Department para sa concern at puwede nang i-inspect ang records subalit bigla na lamang daw ipinagbawal ang pag-akyat sa 5th floor sa mga gustong mag-inquire.



“Ang mga buyers and homeowners po ay wala ng access sa public records, lalo nilang ginawang hassle sa buyers and homeowners na makita ung public records, mukhang merong naka-influenced sa bago nilang sistema,” ayon pa sa ARYA TIPSTER.

PAGING DHSUD SECRETARYJOSE RAMON ALILING.., ipinupunto po ninyo bilang REGULATOR ang inyong ahensiya at mandato po ninyo na alamin at protektahan ang kapakanan ng homebuyers at homeowners ay paiigtingin po ninyo ang pagre-resolba sa kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng mass conciliations sa lahat ng rehiyon.., na hindi dapat tumatagal ang concerns at complaints na ipinaparating sa inyong ahensiya , lalo na ang mga homebuyers na dugo’t pawis ang ginugol para makapagpundar ng sariling tahanan at dapat ang agarang pagtugun nang patas at naaayon sa batas at polisiya sa lahat ng mga hinaing o reklamo. Eto po ang UNIT HOME OWNERS ng VICTORIA DE MORATO na halos dekadang taon na ang ipinagpoproblema nila ay nananatiling problemado pa rin ang mga ito sa sistema ng NSJBI!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.