Advertisers

Advertisers

Sen. Bato ‘wag ka na kumuha ng sueldo!

0 6

Advertisers

MAY lehitimong panawagan si Senador JV Ejercito sa kanyang kapwa senador na si Ronald “Bato” Dela Rosa.
Panawagan niya kay Sen. Bato na ‘wag na muna itong kumuha ng sweldo. Kasi nga hindi na ito pumapasok simula pa Nobyembre 2025, matapos ianunsyo ng malokong Ombudsman “Boying” Remulla na may kopya na siya ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban sa dating PNP Chief kaugnay ng pagiging co-perpetrators ni        ex-President Rody Duterte sa kasong ‘Crimes against        humanity’.
Si Duterte ay higit isang taon na ngayon nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands.
Ayon sa ICC, kabilang sa co-perpetrators ni Digong si Senador Bong Go at ilang nagretirong opisyal ng PNP. Pero wala pa namang inilalabas na arrest warrant laban sa kanila. Oh baka naman may warrant na pero itinatago lang para lumabas si Bato at sabay silang arestuhin? Puede! Hehehe…
Tama naman ang panawagang ito ni JV kay Bato. Aba’y sobra na siya. Tumatanggap siya ng sueldo kahit ‘di nagtatrabaho o absent sa trabaho ng anim na buwan na!    Unfair ito sa ibang gov’t. workers lalo na sa taxpayers na nagpapasueldo sa kanya.
Mahiya ka naman, Sen. Bato! Where u na ba?
***
NANINDIGAN si  ex-House Speaker, Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, laban sa mga plano  siyang gamiting “scapegoat” upang pagtakpan ang sarili nilang pagkakasangkot sa kurapsiyon sa flood control projects.
Sa kanyang video message, mariin na sinabi ni Romualdez na matagal na panahon siyang nanahimik bilang respeto sa legal na proseso pero napilitan na siyang magsalita dahil sa aniya’y mali at hindi makatarungang naratibo laban sa kanya, na pinapalabas siyang “mastermind” sa kontrobersiya.
“My silence has been abused and weaponized to build a narrative that is false, twisted, and unfair,” diin ni Romualdez sa isang video statement last Tuesday, April 21, 2026.
Iginiit ng pinsan ni Pres. “Bongbong” Marcos, Jr., na nagmumula sa gobyerno ang pagbubuo ng national budget at pamahalaan din ang nagpapatupad ng mga infrastructure project, hindi ang Kongreso o ang mga tulad niyang mambabatas.
Sinabi pa ni Romualdez na kahit pa siya ang House Speaker ng 19th Congress, ‘di siya kasama sa iilang kongresista at senador na nagsapinal ng 2025 national budget.
Aniya, “zero” o walang anumang substandard o ghost flood control projects sa kanyang distrito sa Leyte at malaya ang sinumang imbestigahan o alamin ang “verifiable” fact na ito.
Nagpahayag siya ng kahandaang depensahan ang kanyang sarili laban sa mga nagnanais siyang gawing “fall guy” upang makaligtas sa sarili nilang pananagutan sa kurapsiyon.
Mukhang itinuturo niya rito si ex-Senate President Chiz Escudero at ex-Congressman Zaldy Co bilang mga utak ng pangungulimbat sa pondo ng flood control. At mukhang idinadamay niya ang pinsang si PBBM.
Si PBBM ang nagpaimbestga sa flood control anomaly.
Naglabas ng pahayag si Romualdez ilang oras makaraang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kasado na ang mga kasong isasampa laban sa kongresista, at posibleng una sa mga ito ang money laundering.