Advertisers

Advertisers

Chess dokyu!

0 9

Advertisers

Dalawang dokyumentaryo hinggil sa ajedrez ang napanood natin nitong linggo sa Netflix.

Una ay ang istorya ng phenomenal na kampeon ng mga kababaihan na si Judit Polgar. May titulong Queen of Chess ang 94 na minutong. dokyu. Idinirek ni Rory Kennedy ang kwento ng pinakamalakas na lady champ sa kasaysayan. Umpisang ipinalabas ito nito lang Pebrero.

Pinakabata si Judit sa mgq anak ni Laszlo Polgar, isang ordinaryong residente ng Budapest, Hungary. Ibinuhos ni Laszlo ang buong panahon sa pagsasanay ng tatlong bata. Ni hindi nga niya pinag-aral sa eskwelahan at home schooling na lamang sina Susan, Sofia at Judit..

Kay Judit na 5 taon pa lang nang nakitaan na ng malaking potential pero naging grandmaster din ang ate niyang si Susan.

Noong una ay hindi sila nakakuha ng suporta sa asosasyon ng chess. Hirap din makapasok sa mga paligsahan na open sa parehong kasarian sa iisang kategorya..

Nguni’t noong nagtagumpay na si Judit sa Olympiad ay kinilala na rin ng chess federation. Pati buong mundo bumilib sa kanyang kakayahan at napabilang sa Top Ten.

Ang ikalawang dokyu na tinutukoy natin ay ang Untold: ChessMates. Tungkol ito sa kontrobersyal na pagwawagi ng Kanong grandmaster na si Hans Nuemann kay 5x-world champ Magnus Carlsen ng Norway.

Inimbestigahan ng Chess.com ang pangyayari at lumabas na walang ebidensiyang nakita sa sinasabing dayaan.

Nito lamang Abril nakasama sa line-up ng Netflix ang kwento na may anal bead angle.

***

Matinding double-teaming na depensa at mahusay na opensa lalo sa tres ng Lakers ang nagdala sa kanila sa 2-0 na kartada sa first round kontra Rockets.

Kahit wala sina Luka Doncic at Austin Reaves ay na dalawang sunod na W nila ang Houston.

Pinalaro na si Kevin Durant sa Game 2 nguni’t dahil nga sa mahigpit ang pagbabantay kina KD at maging kay Alperen Sengun ay parating nadadaig nila ang katunggali.

Bagama’t sina LeBron James at iba ay pinipisikal ng mga Rockets ay nakakabuslo pa rin ang mga taga Hollywood.

Tingnan natin kung mag-iba ang ihip ng hangin sa Game 3 at 4 na sa homecourt ng Houston gaganapin.

Kapag nakaisa pa sina LBJ sa Sabado ay pwede na hindi madaliin paggamit kina The Don at AR15

***

Pati pagdating sa sports ay kahanga- hanga si Mayor Leni Robredo. Ngayong bakasyon ang mga bata ng siyudad ay umpisa na mga grassroots camp sa 27 nilang barangay. Di lang ito basketball at volleyball ha, kasi kabilang din sa ituturo ng libre ay swimming, sepak takraw, taekwondo, archery at chess.

Tinagurian nila itong Maogmang Mag Summer sa Naga. Layunin na masanay ang mga 6 hanggang 12 taong gulang sa kanilang napiling laro. Pati ang matuto sila sa murang edad ng kahalagahan ng disiplina, teamwork at malusog na pangangatawan.

Eka nga ni Tata Selo na si Mayor Leni ang tunay na gold standard ng tapat at mahusay na lingkod-bayan. Mayroon daw siyang kaalaman at vision para sa magandang bukas.