Advertisers
KUNG pagbabasehan ang datos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), umaabot sa P3.77 bilyon ang pumasok sa mga account ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
At kung pagbabasehan naman ang mga pahayag ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV, nagsimula ang paglago ng yaman ni Sara simula nang siya ay naging vice mayor ng Davao City.
Sabi ni Trillanes, regular na tumanggap si Sara ng pera mula kay Samuel “Sammy” Uy, isang kilalang negosyante sa Davao City at hinihinala na isang drug lord.
Pero ang nakagugulat ay ang mister ni Sara na si Atty. Manases “Mans” Carpio na ayon sa datos ng AMLC, merong itong mga transaksyon na umabot sa P2.99 bilyon!!!
Ang tanong: Ano ba ang negosyo ni Mans para umabot ng bilyon bilyon ang transaksyon sa kanyang account?
Matatandaan na si Mans at Paolo “Pulong” Duterte ay hinihinala na mga ‘mastermind’ sa importasyon ng shabu na nadiskubre na tinago sa magnetic lifters, sa dalawang magkahiwalay na taon, 2017 at 2018, panahon na presidente si Digong.
Nung 2017, sa ilalim ni dating Customs Chief, Nicanor Faeldon, naipasok ang P6.4 bilyon halaga ng shabu sa “green lane” o minimal inspection.
Nang ito’y nabulgar, agad nag-resign si Faeldon at kalaunan ay naging Director General pa ng Bureau of Correction nung 2018.
Samantala, nung 2018 sa pamumuno naman ng bagong Customs Commissioner Isidro Lapeña, meron na naman nakalusot na P6.8 bilyon halaga ng shabu na parehong modus o istilo, itinago sa magnetic lifters.
Kung susumahin lahat, kulang sa P12 bilyon ang halaga ng shabu na nakalusot o pinalusot sa Customs.
Yung presidente n’yo na galit na galit kuno at pumapatay mga ng taong nasasangkot sa droga, s’ya pa ang naging tagapagtanggol nina Faeldon at Lapeña. Mismo!
Duterte: “They were just “outplayed” and “nalusutan” by smugglers.”, tangging palusot ni Digong sa pag-absuelto kina Faeldon at Lapena.
Saan na kaya itong Faeldon at Lapena ngayon? Never heard na. Nagtatago na yata…
Kung mapapatunayan na si Mans Carpio at Pulong ang nasa likod ng P6.4 at P6.8 shabu na inilusot sa Customs ay hindi na nakapagtataka na ganun nga kalaki ang pera na posible na pumasok at lumabas sa accounts ni Mans Carpio. Mismo!
Kung mauungkat muli ang kaso ng magnetic lifters, posible rin na maungkat ang mga transaksyon ng mga account ni Pulong.
Senate Blue Ribbon Committee, at House Justce Committee buksan nyo nga uli ang kaso ng droga sa irion lifters. Drinibol lang yan noong panahon ni Digong eh!
***
Narito naman ang mga Intsik na bespren ng Dutertes partikular ni Digong na inakusahang drug lords o miembro ng international drug syndicate:
Sammy Uy, Allan Lim (Lin Wei Xiong), Peter Lim, Tony Yang (Maestrado Lim) at utol niyang si Michael Yang na naging presidential adviser pa kahit Chinese national, Richard Tan at marami pang Chinese na bukod sa sangkot sa droga ay operators din ng mga iligal na POGO. Bigla silang naglaho nang matapos ang termino ni Digong at ‘di napatalsik si Bongbong Marcos.
‘Pag nakabalik ang Duterte sa Malakanyang, t’yak lulutang uli sila sa Pilipinas.
Filipino, gising!