Advertisers

Advertisers

BILANG ALAGAD NG KATOTOHANAN

0 2

Advertisers

SA isang sportswriter, pinaka- ultimong pangarap sa kanyang propesyon ay ang makapagkober ng Olympic Games.

Ang maging alagad ng pamamahayag pang-nasyunal,masidhing pangarap ng bawat reporter ay ang prestihiyosong Malacañang coverage.

Kasi nga naman,kabilang ka sa mga pinagpalang jorno na naiko-kronikel ang daily activities ng Pangulo ng bansa at mga state visits nito.

Araw-araw ay piyesa niya ang national issues ng Pilipinas na isang karangalang pinagpalang mamamahayag lamang ang mapalad.

Isa ang inyong kakorner nanag-wish din muling maging Palace reporter tulad noong dekada ‘90 pero dito tayo na-toka sa sports& politics na isa ring prestihiyosong beat.

Be a sportswriter and see rhe world and meet people extraordinaire..

Pero iba na ngayon ang Palace reporters.

Di lahat pero halos sa kanila ay alagad na ng praise at hindi press dahil natatakpang mistula ang mata at tainga ng pilak upang mailihis ang katotohan ng kabulaanan.

Prestihiyoso ka bang mamamahayag kung ang lagi mong kinukunan ng balita ay isang obvious na tutang tagapagsalita na ang nais ipabalita ay ang mga kasinungalingang hatid ng admi istrasyong di magkandaugaga sa pagtakip ng mga butas bunga ng katiwalian mula itass hanggang ibaba.

Karangalan ba bilang reporter kung puro de kahon ang mga dapat ipatanong sa Pangulo thru spoksperson?

May dignidad pa bang natitira sa isang mamamahayag ng Palasyo kung oppressed ang kanilang press freedom?

Ditona muna tayo sa sportsbeat kung saan ay walang corruption at walang dambuhalang mandarambong na ayaw ipanagot sa maintream media sa kaalaman ng mamamamayang hilahod na dahil simot na pati barya nila.ikaw katropa diyan saPalasyo ,enjoy ka pa ba sa propesyon mo bilang mamamahayag na pumipilipit ng katotohanan para isilid sa maleta ang kabuhayan?Matatapos din iyan..ABANGAN!

Lowcut- Sa paglipas ng mga araw ng sipag, tiyaga,pawis, determinasyon ,katapatan at malasakit sa samahan, optimistiko ang korner na ito na mabungang resulta ang hatid nito kaya buhos ang ulan ng grasya sa pinagpagurang tiwala sa isat- isa ang susi ng tagumpay.Special shoutout Ms Dawn( Dominiq) , Ms Vangie( Nile), Nall Cathy Vergara,Gigolo Bong Bantang & Bong Vergara and of course Ka Edward Sonza, Ka Ervin Salvador diyan sa Tarlac.. Lady Luck is watching us..Teamwork = Result.. BULLSEYE!