Advertisers
May natanggap na impormasyon mula sa isang hindi nagpakilalang source tungkol sa umano’y mga indibidwal na nagpapakilalang konektado sa NBI at sangkot sa kahina-hinalang aktibidad.
Ayon sa ulat, ang mga naturang indibidwal, na gumagamit ng mga alyas, ang lumalapit umano sa ilang “bookies” at nag-aalok ng tinatawag na “proteksyon” kapalit ng halagang hindi bababa sa P20,000 kada linggo. Sinasabi rin umano nila na ang bayad ay para sa intelihensiya at seguridad. Nagpapakilala ang nasabing dalawang indibidwal sa alyas na “J*yj*y at J*pit*r”.
Sa kasalukuyan, hindi pa beripikado ang mga impormasyong ito at bahagi pa lamang ng paunang ulat.
Dahil dito, hinihikayat ang National Bureau of Investigation (NBI) na masuri at maimbestigahan ang nasabing impormasyon upang matiyak na walang sinumang umaabuso sa pangalan ng ahensya.
Pinapaalalahanan ang publiko na manatiling mapanuri at i-report sa kinauukulan ang anumang kahina-hinalang gawain.
Mahalaga ang integridad ng mga institusyon at isang hakbang tungo sa katotohanan ang bawat ulat.