Advertisers

Advertisers

CALLY, MAGSINO, TINIK KAY GEN. HANSEL MARANTAN!

0 1,287

Advertisers

HABANG abala ang sambayanan sa pagtutok sa katakot-takot at bilyones na kurakot ni Inday Lustay at ng kanyang dyowa mula sa kwarta ng bayan at  tongpats sa mga drug lord, nababalewale naman ang mga kabalbalan na pinaggagawa ng tandem-in crime na sina alyas Cally at Magsino sa hurisdiksyon ni PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan.
PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan
Ang dalawa ang nasa likod ng malawakang “kolek-tong” sa area of responsibility (AOR) ni BGen. Marantan. Kumakale ng tinatayang Php4M kada linggo at tumataginting na buwanang Php16M na papalo sa Php192M sa loob ang “kolektong” ng isang taon ang dalawang tulisang ito.
Malayo ito sa pigurang nabubunyag sa Congressional House Committee on Justice hearing hinggil sa kurakot nina Inday Lustay na iniuulat na aabot sa Php6.77B. Dumi lang sa kuko kung ihahambing ang nako-corner nina Cally at Magsino na kung tawagin din ay “kapustahan” (police tong collector).
Sinasabing mula sa mga suspicious transaction at kwartang buhat sa mga drug lord ang kurakot nina Inday Lustay, samantalang galing naman sa protection racket o lingguhang suhol o intelhencia ang  harbat nina Cally, Magsino at ng kanilang handler na kilala sa tawag na CALABARZON Pergalan Queen.
Alam kaya ni Gen. Marantan ito, kaya suhestiyon ng SIKRETA sa magiting at pinagpipitagan na heneral na patutukan at masusing paimbestigahan ang ilegal na aktibidad ng grupo nina Cally, Magsino at ng kanilang handler.
Hindi pa abot sa pang-amoy ni General, na gasgas na ang kanyang pangalan sa aktibidad nina Cally at Magsino? Panakot nina Cally, Magsino at ng kanilang handler na may bendisyon sila ng tanggapan ng PNP Region 4A upang mangolekta ng lingguhang intelhencia mula sa lahat ng ilegalista, tulad ng mga operator ng smuggling and pilferage o buriki/paihi, Small Town Lottery (STL) bookies, peryahan na  pulos sugalan (pergalan) na front din ng bentahan ng droga, E-sabong, iba pang uri ng bisyo,  illegal quarry  at iba pang kriminalidad  na nag-ooperate sa hurisdiksyon ni Gen. Marantan.
Si Magsino ang in-charge sa tong collection sa Batangas na tulad din ng Cavite at Laguna ay sentro ng petroleum pilferage at ibat ibang uri ng sugal tulad ng pergalan, sakla, bookies at illegal quarry. Nasa bayan ng Tuy, Batangas at Carmona City, Cavite ang dalawang malalaking kuta ng petroleum pilferage o buriki/paihi sa AOR ni Gen Marantan. Sina alyas Medic Ferrer, Egay at Col. Lakay na kilala din sa alyas LtCol. JJ Cruz at Manny ang buriki/ paihi operator sa Brgy. Guinhawa,Tuy, Batangas; sina Amang, Violago at Aldo naman sa Brgy. Bancal, Carmona City.
May 50 ang aktibong pergalan sa Batangas bukod pa sa mga puesto pijo o permanenteng sugalan sa mga bayan ng Malvar, Lian at Lobo; 20  sakla dens sa Lipa City; dalawa sa saklaan sa Padre Garcia; dalawa sa Tanauan City; 5 sa Sto. Tomas City na si Magsino mismo ang kasosyo sa operasyon at anim sa Nasugbu na ilang pulis ang operator.
Lalong naging talamak ang STL bookies sa Batangas lalo na sa Lipa City, mga bayan ng Rosario, Taysan at iba pang mga siyudad at bayan sa lalawigan ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.
  Nag-ooperate na muli ang illegal na E-sabong sa Lipa City na pansamantalang natigil ang operasyon matapos na ma-raid ng operatiba na pinamumunuan ng noon ay Batangas PNP Intelligence Chief Major Neil Gaspar may ilang buwan pa lamang ang nakaraan.
 May mga illegal quarry sa bayan ng Taysan na pawang may “lingguhang parating” din kay Magsino. Ano bang nangyari na sa kaso ni Magsino kaugnay sa pagkaaresto dito ng CIDG sa mga kasong illegal possession of firearm and ammunition at robbery extortion noong nakaraang taon?
Sa Cavite ay may 50 ang mga saklaan na karamihan ay nasa mga bayan  ng Alfonso, Magallanes, Maragondon, Noveleta, Silang, Ternate at Indang, siyudad ng Dasmariñas, Bacoor at Cavite at sa mga sabungan dito. May malawak na operasyon din ng EZ2, Pick 3, STL bookies at online gambling operation ng isang alyas Jun Toto, Kap Abner at Nitang Kabayo.
 “Putok” ang pangalan nina Cally, Magsino at ang kanilang handler sa larangan ng kolek-tong na tinik balakid sa tuwid na landas ni Gen. Marantan.  May ilan pang ginagamit si Cally na tong kolektor sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal at Quezon na ating tampok sa mga susunod na paksa. Abangan…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144