Advertisers

Advertisers

Cayetano suportado at bukas sa imbestigasyon sa mga proyektong nakuha ng kontratistang Discaya sa Taguig

0 12

Advertisers

SUPORTADO nina Senador Alan Peter Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano ang isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa mga proyekto sa lungsod ng Taguig na hinawaka ng pamilyang kontratistang Discaya na sa huli ay pawang mga nakabilanggo dahil sa kaugnayan sa mga maanomalyang flood control project.
Ayon sa mag-asawang Cayetano dapat lamang managot ang sinumang dapat managot lalo na pagdating sa paggawa ng anumalya at korupsyon.
Walang balak na itolerate ang mag-asawang Cayetano sa sinumang nang-aabuso sa kaban ng bayan.
Dahil dito nagpapasalamat ang mag-asawang Cayetano sa pagbisita ni Department of Public Works and Highways(DPWH) Secretary Vince Dizon upang agad na magsagawa ng inspeksyon sa mga proyektong napanalunan ng mga kumpanya ng pamilya Discaya.
Sinabi ni Dizon na matapos na masangkot ang dalawa at mapawalang bisa ang mga permit at lisensya ng mga kumpanya nito ay agad na hinawakan ng DPWH ang mga proyekto upang isagawa ng panibagong bidding at paglalaan ng dagdag na pondo para sa lahat ng proyekto hindi lamang sa Taguig kundi sa buong bansa na pawang nakuha ng mga Discaya.
Inamin ni Dizon na wala kinalaman ang sinuman sa mag-asawang Cayetano sa naganap na bidding process ng mga proyektong nasa sa Taguig dahil sa ang DPWH ang nagsagawa ng bidding at ito ay pawang noong 2020 pa na bidding at napanalunan ng isa sa mga kumpanya ng mga Discaya.
Binigyang-linaw pa ni Dizon na ang pagbisita niya sa lungsod ng Taguig ay bilang direktiba sa kautusan ni Pangulong Ferinang na agarang inspeksyunin ang lahat ng mga proyekto ng pamahalaan sa buong bansa na napasakamay sa mga kumpanya ng Discaya.
Aminado din si Dizon na hindi lamang siya sa Taguig bibisita at bumisita na kundi maging sa ibang lungsod din.
Isa sa ininspeksyun ni Dizon ay ang itinatayong isnag multi purpose bldg na mayroong disensyng isang olmypic poll na sa huli ay gagawin ng bagong Hall of Justice ng Lungsod ng Taguig.
Aminado naman si Mayor Cayetano na bilang mga halal na lokal na opisyal ay bahagi ng kanilang tungkulin ay ang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa lahat ng mga programa at proyektong ibinababa ng national government.
Ipinagmalaki din ni Senador Cayetano na walang isa mang ghost project sa kanilang lungsod.
Kaugnay nito handang handang makipagtulungan ang lungsod ng Taguig sa DPWH para sa ikatatagumpay ng anumang proyekto.
Pagmamalaki ni Mayor Cayetano na lahat ng proyekto ng lungsod ng Taguig ay lubhang napapakinabangan ng taong bayan at hindi lamang ng tiga Taguig kundi maging mga karatig na lungsod.
Isa sa halimbawa ni Mayor ang kanilang TLC Lake Shores na kung tuwing sasapit ang Disyembre ay lubhang napapakinabangan ng milyong mga mamayan mula sa Taguig at karatig na lungsod.