Advertisers
MAGSASAGAWA ng malawakang kilos protesta sa araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1 ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU).
Ayon kay KMU chairman Jerome Adonis, na kasama nila ang Bagong Alyansang Makabayan na siyang magsasagawa ng kilos protesta mula España Boulevard patungo sa Mendiola sa Manila.
Bukod pa dito ay isasagawa rin ang kilos protesta sa buong Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Negros, Cebu, Panay at Davao.
Panawagan ng grupo ang pagtaas ng sahod, pagbaba ng presyo ng mga bilihin at ang sapat na subsidiya mula sa gobyerno dahil sa nararanasang krisis sa enerhiya.