Advertisers

Advertisers

Kampo ni Sen. Bato ikinokonsidera ang suhestyong ‘di muna tumanggap ng sweldo at allowances

0 3

Advertisers

PINAG-AARALAN na ng kampo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang suhestyon ni Senate Ethics Committee Chairman JV Ejercito na huwag na muna itong tumanggap ng sahod at allowances habang hindi pa pumapasok sa Senado.

Matapos ang pulong ng Senate Ethics Committee, sinabi ni Ejercito na ipinarating sa kanya ng kampo ni Dela Rosa na ikinukunsidera na ng senador na hindi na muna tumanggap ng kanyang sweldo at allowances at hinihintay na lamang ang final decision ni Sen. Bato.

Pinagpupulungan na rin ng kampo ni Dela Rosa ang tungkol dito.



Sakaling tuluyang pumayag si Sen. Bato sa suhestyon ni Ejercito na huwag na munang tumanggap ng sahod at allowances ay posibleng maibasura ang mga ethics complaint na inihain laban sa kanya.

Nitong Martes ng umaga ay muling nagsagawa ng pulong ang Senate Ethics Committee kung saan binusisi nila ang mga reklamo partikular kung ito ay may form at substance kung saan higit kalahati ang hindi nakatugon kaya ibabalik ito sa mga complainant.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">