Advertisers

Advertisers

WALA NANG ‘SIKRETO’ NGAYON?

0 3,527

Advertisers

BAGO ang lahat, ipinapaalala natin sa lahat ng miyembro ng National Press Club (NP), isa sa mga “antigo” subalit patuloy na pinakamalaking samahan ng mamamahayag sa ‘Pinas, na ngayong Linggo na po, Mayo 3, ang ating eleksyon para sa 5 ‘Executive Offficers’ at 10 ‘Board of Directors.’

Sang-ayon sa ating ‘By-Laws’ isinasagawa ang halalan sa unang Linggo ng Mayo tuwing ikalawang taon, at muli po tayong tatakbo bilang direktor ng ating samahan. Sa madaling salita, huwag po ninyo akong kalimutan sa inyong mga balota!
***
Nagtataka tayo na para sa isang abugado (abugado pala siya) na si House Committee on Justice Chairperson Gerville ‘Jinky’ Luistro ng Batangas Second District, mistulang “kapos” siya sa pag-unawa– at pagrespeto– sa atiing mga batas at proseso?

Sa huling pagdinig ng kanyang komite, ibinida pa ni Luistro na binigyan niya ng kopya ang may 74-miyembro ng kanyang komite sa ibinigay namang report ni AMLAC (Anti-Money Laundering Council) Executive Director Ronel Buenaventura na umano’y mga ‘bank transactions’ ni VP Sara Duterte at kanyang asawa na si Atty. Mans Carpio.

Sa pagkaalam natin, isa ring abugado itong si Buenaventura na ‘appointee’ naman ni PBBM.

Ang kanilang ginawa, sabihin pa, ay paglabag sa bank secrecy law at nagbibigay ng malinaw na mensahe na WALA nang sekreto ngayon sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno.

Lumalabas din na wala nang respeto sa ating mga korte at mga proseso dahil congressman (o congresswoman) na lang pala ang kailangang mag-utos upang mabusisi ang deposito at transaksyon ng sino man.

Kumbaga, hindi pala kailangan ngayon ang ‘court order’ (Court of Appeal) para “mahalukay” ang sarili mong mga datos at rekord. Ang kailangan ngayon? Isang mambabatas na “bopols” pero may makapangyarihang posisyon at isang “bopols” din na executive director na gusto namang “sumispsip” sa Palasyo.

Eh, “delikado” ito mga kabayan. “Mahirap” na pala ngayong batikusin o “banggain” ang isang kongresista dahil kaya na niyang ipakuha at busisiin ang ano mang datos mo– para magamit laban sa iyo.

Nakakatakot!