Advertisers

Advertisers

LTO at SSS, pinaka-inirereklamong ahensiya ng gobyerno — ARTA

0 3

Advertisers

NANGUNA ang Land Transportation Office (LTO) at Social Security System (SSS) sa listahan ng mga ahensiya ng gobyerno na may pinakamaraming reklamo noong Marso, ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Base sa datos ng ARTA, umabot sa 152 ang kabuuang reklamo na natanggap para sa LTO, kung saan 132 na ang naresolba at 20 ang nananatiling aktibo. Samantala, nakapagtala ang SSS ng 156 reklamo, 112 dito ang naresolba at 44 ang nakabinbin pa.

Sinabi ni ARTA Secretary Ernesto Perez, karamihan sa mga reklamo ay may kaugnayan sa pagkaantala ng serbisyo, karagdagang requirements, at umano’y paglabag sa Citizen’s Charter.



Giit ni Perez, patuloy ang koordinasyon ng ARTA sa mga ahensiya upang mapabuti ang serbisyo at mabawasan ang red tape sa gobyerno.

Kabilang din sa may mataas na bilang ng reklamo ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Food and Drug Administration (FDA), Land Registration Authority (LRA), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Education (DepEd), National Telecommunications Commission (NTC), Department of Migrant Workers (DMW), Professional Regulation Commission (PRC), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at Department of Science and Technology (DOST).



Sa hanay naman ng Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), kabilang sa may pinakamaraming reklamo ang Pag-IBIG Fund, Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Postal Corporation, Land Bank of the Philippines, at GSIS.

Gayunman, sinabi ng ARTA na karamihan sa mga reklamo ay agad na naaaksyunan kapag naipasa sa mga kaukulang ahensiya, at mataas din ang porsyento ng mga kasong naresolba.



Dagdag pa ng ahensya, ang dami ng reklamo ay hindi lamang indikasyon ng inefficiency kundi kaugnay din ng dami ng transaksiyong hinahawakan ng mga naturang opisina.