Advertisers

Advertisers

Katrina Halili sumikat bilang kontrabida

0 8

Advertisers

Ni Anne Venancio



Binalikan ni Katrina Halili ang kanyang early career sa showbiz sa pamamagitan ng isang trending video na “Mom, what were you like in the 2000s?”, kung saan ipinakita ang ilan sa kanyang mga naging role sa telebisyon.

Nagsimula ang kanyang karera matapos sumali sa unang season ng StarStruck noong 2003, na naging daan para makilala siya.



Sa video, pinakita ang kanyang mga kontrabida roles sa iba’t ibang proyekto, kabilang ang Black Darna at Serpina, at ang karakter na Angelika Santibañez sa Marimar at Juno sa Majika na nagpatibay sa kanyang imahe bilang isa sa mga kilalang kontrabida noong 2000s.
Nagpakita rin ito ng husay sa pag-arte sa mas emosyonal na eksena sa kanyang mga karakter sa mga seryeng Prima Donnas, Unica Hija, at Mommy Dearest.

Samantala, nakatakda rin siyang gumanap bilang ina ng karakter ni Anton Vinzon sa GMA Afternoon Prime series na Kamao.