Advertisers
By Anne Venancio
Balik-arte sa telebisyon si Alden Richards sa pamamagitan ng upcoming GMA medical drama series na Code Grey, kung saan gagampanan niya ang papel ng isang doktor na aniya ay bagong hamon sa kanyang karera dahil ito ang unang beses niyang bibigyang-buhay ang isang karakter na nasa medical field.
Ayon sa aktor, kakaiba at mas malalim ang karanasang ito kumpara sa kanyang mga naunang proyekto.
Makakasama niya sa serye sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Andrea Torres, Faith Da Silva, Allen Ansay, Shuvee Etrata, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Bukod sa Code Grey, mapapanood din si Alden sa romantic comedy series na Love, Siargao, na ipapalabas simula June 26 sa Viu, kung saan makakasama niya si Nadine Lustre.
Aminado ang aktor na kahit abala siya sa kanyang career, nagsisimula na rin siyang mag-isip para sa kanyang future at posibleng pagbuo ng sariling pamilya, ngunit nilinaw niyang hindi pa ito ang tamang panahon para sa pag-settle down dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin.
Sa ngayon, naka-focus siya sa trabaho, negosyo, at mga paparating na proyekto sa telebisyon at digital platforms.
Nagpapasalamat naman ang aktor sa walang sawang suporta ng kanyang fans.